13 Pinoy na beterano ng WWII, ginawaran ng US Congressional Gold Medal

Image from US Embassy Manila Facebook page

MAYNILA, Pilipinas – Labintatlong (13) beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) ang ginawaran ng US Congressional Gold Medal bilang pagkilala sa kanilang katapangan at naging serbisyo sa Bataan noong nakaraang digmaan.

Ang naturang seremonya ay ginanap nitong Huwebes, ika-13 ng Setyembre sa US Embassy sa Maynila. Ito ang kauna-unahang paggawad ng naturang pagkilala sa mga beteranong Pinoy na ginanap mismo sa bansa.

Ang Congressional Gold Medal ang pinakamataas na pagkilalang sibilyan na iginagawad ng Kongreso ng Estados Unidos.

Image from US Embassy Manila Facebook page

Ang 13 beterano ay sina:

  •  Brigadier General Pedro Zafra
  • Colonel Paterno Viloria
  • Lieutenant Colonel Frisco San Juan
  • Lieutenant Commodore Bienvenido Alano Sr.
  • Major Maximo Young
  • Corporal Oscar Bunconsejo
  • Technical Sergeant Sixto Navidad
  • Private First Class Manuel Pamaran
  • Private First Class Jose Sepulveda
  • Private Roberto Agustino
  • Private Sixto Guanzon
  • Private Bienvenido Sermonia
  • Private Ricardo Madayag

    Image from US Embassy Manila Facebook page

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni US Ambassador Sung Y. Kim ang mga Pinoy na beterano dahil sa kanilang mga naging sakripisyo sa Bataan.

“What they have freely given is beyond our power to repay, but on this day and at this time, we recognize our debt for their sacrifices with deep respect and profound appreciation,” wika ni Kim.

Ayon naman kay  Col. (Ret) Paterno V. Viloria ng Philippine Army, isang malaking karangalan ang mabigyan ng nasabing pagkilala mula sa Amerika.

“I am overjoyed that after more than seven decades, we Filipino Veterans of World War II, who fought side by side the United States Armed Forces, are finally getting the honor and recognition we deserve for our bravery and heroism, and our selfless sacrifice and dedicated service during the war,” ani Villoria.

Image from US Embassy Manila Facebook page

Karamihan sa mga beterano ay edad 91 na pataas maliban kay Natividad na 100 anyos na at siyang pinakamatanda sa grupo.

Ang naturang seremonya ay sinaksihan mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na isa sa mga matiyagang nangampanya noong siya ay defense attaché pa lamang sa Washington para maipasa sa US Congress ang batas na kikilala sa mga beteranong Pinoy noong World War II.

Loading...