Babae natangayan ng mamahaling cellphone ng lalaking nagpakilalang engineer

MAYNILA, Pilipinas – Ibinahagi ng isang babaeng netizen ang kanyang malungkot na karanasan tungkol sa isang lalaking nakilala niya sa isang dating app at nagpakilala daw na isang lisensiyadong civil engineer.

Ayon sa kuwento ni Pam Benitez sa Facebook, nakilala niya si Shaun (na Sherwin Artacho Lorro pala sa tunay na buhay) at nakipag-chat at text siya dito. Sa madaling sabi, nagpasya silang magkita nang personal sa McDonald’s sa Market Market sa Taguig City.

Noong una ay maaayos naman daw ang kanilang usapan at tinulungan pa siya ng lalaking bitbitin ang kanyang bag.

Image from Facebook

Habang naglalakad at nagkukuwentuhan patungong High Street sa BGC, sinabi umano ni Shaun na naiwan nito ang kanyang wallet sa kanyang sasakyan na hiniram ng kapatid at at nakiusap na makitawag gamit ang cellphone ni Pam na Samsung Galaxy S9+.

Matapos makarating sa Starbucks, umorder sila ng kape at si Pam nga ang napilitang magbayad dahil walang pera ang lalaki. Inexplore din umano ng lalaki ang cellphone ni Pam habang nag-uusap.

Makaraan ang ilangs sandali, nagtext daw ang kapatid ng lalaki at nagpapatawag para madala ang wallet. Dito na hiniram muli ng lalaki ang S9+ ni Pam at lumabas para kausapin ang kapatid.

Ilang minuto rin daw niyang binantayan ang lalaki na may kausap at tila okay naman. Subalit, nang malingat siya ay dito na nawala ang manloloko.

Dahil dito nagpatulong siya sa mga guwardiya ng BGC upang habulin ang lalaking nagdala ng kanyang cellphone subalit hindi na nila ito natunton.

Image from Facebook

Wala na ring nagawa si Pam kundi ipa-blotter ang pangyayari sa BGC police station at ibahagi ang kanyang karanasan at larawan ni Sherwin Artacho Lorro sa social media para mahuli ito at mabigyan na rin ng babala ang iba pang babae.

Subalit lumalabas sa ilang mga dating posts sa Facebook na talaga palang gawain na ito ni Lorro at marami na rin ang kanyang nabiktima.

Basahin ang buong kuwento ni Pam:

I-click ang imahe upang makita ang buong post

Ito pa ang isa na ninakawan din umano ng motorsiklo ni Lorro:

I-click ang imahe upang makita ang buong post

Ito naman ang isa pang biktima na dalawang cellphone naman ang ninakaw noong Hulyo taong kasalukuyan:

I-click ang imahe upang makita ang buong post

Nanawagan ang mga nabiktima ng tulong para sa ikadarakip ng suspect na naipa-blotter na sa ilang kaso nito ng pagnanakaw.

“Let’s do our best to find him para di na po sya makapang-biktima! We need your help to find him and get him behind bars! Please share and help us through information pag nakita nyo siya!”

 

 

Loading...