Debutante, nagdiwang ng kanyang kaarawan at sinorpresa ang ama sa airport

Mga larawan mula sa Facebook account ni Lindsay Liv Limon

Sa Pilipinas, nakasanayan na ng mga Pilipino na kapag sasapit na ang 18th birthday ng isang anak na dalagita ay nagdaraos ang buong pamilya, isama pa ang buong angkan at mga kaibigan, ng debut party. Isa itong nakalakhang tradisyon na sumisimbolo sa panibagong yugto sa buhay ng isang dalagita, kaya naman itinuturing itong espesyal na pagdiriwang.

Viral ngayon sa Facebook ang mga naka–post na larawan at video ng isang dalagitang netizen na si Lindsay Liv Limon matapos niyang ipakita ang ginawa niyang sorpresa sa kanyang amang na–delay ang flight makarating lamang sa kanyang debut party.

May balak sanang sorpresahin ng haligi ng tahanan ang kanyang anak na dalagita sa debut party nito kaya naman sinikap ng kanyang pamilya na itago at isikreto sa debutante ang pagbabalik nito sa Pilipinas.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, na–delay ang flight ng ama kaya naman ganoon na lamang ang pagkadismaya nito. Nang malaman ni Lindsay ang balak ng ama, muli niyang isinuot ang kanyang yellow gown at sinalubong ang kanyang ama sa airport. Pinagtitinginan man ng mga tao, hindi nagpaawat ang debutante na isayaw ang kanyang mapagmahal na ama doon mismo.

Makikita sa mga larawan ang kasiyahan ng mag–ama sa “pagsorpresa” nila sa isa’t isa.

Mga larawan mula sa Facebook account ni Lindsay Liv Limon

Panoorin naman ang video ni Lindsay Live Limon sa kanyang pagsalubong at pagsayaw sa kanyang ama:

Samantala, narito ang buong post ni Lindsay Liv Limon sa kanyang Facebook account:

8.19.18

“Dapat talaga isusurprise nila ako sa debut ko na darating si Papa kasoooo na-delay yung flight nya ng ilang beses tas di na nakaabot. Tas ayun natuloy na flight nya tas darating sya ng 12:50am dito sa Pinas. After ng debut ko diretso na agad sa airport, di man nakaabot, nakasayaw naman kaming dalawa.

sarap sa feeling ahihihi

ingat ka sa flight mo Papa, salamat sa lahat ng efforts mo. iloveyou.”

Hindi ba ang sweet nila?

Loading...