Grandpa Kitchen ng Lolong bayani, patuloy ang pagluluto para sa mga batang ulila

Images via Grandpa Kitchen on YouTube

Karamihan sa mga lolo’t lola ay itinuturing na mga espesyal na miyembro ng pamilya at hindi ito nakapagtataka. Lalo na siguro kung ang iyong lolo ay gaya ng viral na matandang lalaki na kinikilala bilang lolong bayani dahil sa kabutihan ar dedikasyon nito sa pagluluto para sa mga mahihirap at ulilang bata sa India.

Nasa mahigit 70 anyos na ang Lolo na sumikat sa kanyang mga videos ng pagluluto, kasama ang kanyang anak na lalaki. Bagama’t isa pa ring misteryo ang tunay niyang pangalan, ang Indian dadaji (ama ng isang lalaki) ay ilang taon na ring sinusundan ng marami dahil sa kanyang YouTube videos ng pagluluto ng masasarap na pagkain para sa mga bata.

Hindi na nakapagtataka na umabot na sa mahigit 2.8 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube at mahigit 340,000 na followers sa Facebook.

At ang kanyang mga niluluto? Hindi pangkaraniwang pagkain na pang-charity, ‘ika nga. Nakaaantig ng puso na sinisikap niyang makatikim ang mga bata ng iba-ibang putahe gaya ng juicy chicken wings, pizza, tsokolateng cakes, at pizza. Matatawag na “priceless” ang kasiyahan ng mga bata sa kanyang mga inihahandang pagkain gaya ng mga sumusunod:

Mga imahe mula sa Grandpa Kitchen sa YouTube

Maituturing nang YouTube star si Lolo. Lalo na noong masaya siyang naghanda ng pizza na katakam-takam para sa mga bata. Sino ba naman ang aayaw sa pizza ano? Umabot ng halos 15 milyon na views ang video.

Mga imahe mula sa Grandpa Kitchen sa YouTube

Ngunit higit pa sa mga masasarap na inihahanda ni lolo, ang mga followers at supporters ay naaantig sa kanyang mga ginagawa. Nakikita kasi na sa kabila ng kasimplehan ng mga pagkain, masayang-masaya ang mga bata na naghihintay sa panibago niyang inihanda. Puwede ka pang matuto sa kanyang style ng pagluluto.

Naipapakita rin dito na wala sa edad ang pagiging bayani kundi nasa puso. Super Lolo talaga siya.

Kamakailan ay ito naman ang niluto ni Lolo! Katakam-takam na potato nuggets!

At sino ba naman ang aayaw sa pizza?

Source :

YouTube, Facebook

Loading...