Lily Cruz meets Dao Ming Si: “Magkasamang” larawan nina Maja Salvador at Meteor Garden Star Dylan Wang, kinakiligan ng mga netizens

Mga larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Matapos ang halos dalawang dekada, muli na namang nagbalik sa ere at patuloy na pinakikilig ang mga tagahanga ng love story nina Dong Sanchai at Dao Ming Si sa remake ng 2001 Taiwanese tv series na Meteor Garden, na ngayon ay mula naman sa Chinese version.

Kahit ilang beses nang naipalabas sa ABS–CBN Kapamilya Network gayundin sa GMA Kapuso Network ang naturang TV series ay patuloy pa rin itong patok sa publiko, in all walks of life, ‘ika nga. Kahit ang mga sikat na local artists ay nakiki-“fever” na rin, at isa na riyan ang magaling na Kapamilya actress na si Maja Salvador.

Sa kanyang Instagram post noong Agosto 31, 2018, ipinakita ni Maja ang isang larawan ng kanilang “human–sized standee” ni Dylan Wang na may caption na “Didi and Lily” #MeteorFlower.

Didi & Lily 💕 #MeteorFlower

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

Ang pangalang ‘Lily Cruz’ ay naikapit na kay Maja matapos ang kanyang matagumpay na teleseryeng Wild Flower.

Very vocal din si Maja sa pagsasabing fan girl siya ni Dylan Wang na tinawag niyang “Didi” batay sa iba pa niyang IG posts.

Kinaaliwan din ng netizen ang video ni Maja na may caption na “Didi visits Lily in ASAP” #MeteorFlower nitong Linggo, Setyembre 2, 2018.

Didi visits Lily in Asap #MeteorFlower

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

Aminado rin ang aktres na nakaliligtaan niya ang mga dapat niyang gawin tulad ng pilates, at napupuyat din siya, huwag lamang mapalampas ang pagsubaybay at panonood ng Meteor Garden, upang masilayan ang kanyang crush na si “Didi.” Mahilig din siyang mag–post ng mga inedit na larawan kasama si Dylan Wang.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Ang Meteor Garden 2018 ay remake ng Meteor Garden Taiwanese series at Boys Over Flowers na Japanese manga series. Ang iba pang main cast ay sina Shen Yue, Darren Chen, Connor Leong, at Caesar Wu. Ang unang minahal na gunanap na Sanchai ay si Barbie Xiu at si Jerry Yan naman ang Dao Ming Si. Mapapanood ito bago mag TV Patrol sa ABS–CBN Kapamilya Network.