Manila Zoo, kailangan ng tulong, hindi kritisismo — Concerned Netizens

Images via Jan Arvin Delgado's Facebook post

Kamakailan ay kumalat ang ilang post sa social media hinggil sa kaawa-awa umanong kalagayan ng mga hayop sa ating Manila Zoo. Totoo ba ang mga ito o misinformation lamang?

May mga nagshare ng ilang larawan ng isang leon na makikitang tila payat at gusgusin upang diumano’y magsilbing ‘awareness’ sa kalagayan ng mga hayop sa naturang zoo. May panawagan pang iboycott ang Manila Zoo.

Mayroon ding nagbahagi ng ilang larawan ng duguang baby na unggoy na may malaki umanong sugat sa leeg at marami ang nagalit at nabahala sa mga ito. Mayroong mga sumang-ayon na dapat iboycott ang zoo hangga’t hindi nito inaayos ang mga problema.

Sa post ni Yhel Yukito, sinabi niyang: “Kung tayong mga tao puro welga and post about sa rights naten paano pa kaya silang walang ibang alam kundi maghintay na lang?”

Dagdag pa niya hinggil sa pagbo-boycott sa Manila Zoo: “Wala rin namang magagawa yung pagb0boycot sa manila zoo, tingin niyo ba makakatulong yun sa mga ganitong hayop. Tulungan na lang naten sila kung kayang tumulong lalo na sa mga veterinarian na pwede namang mag volunteer. hindi lang naman yung mga alaga nating hayop sa bahay yung may karapatang mabuhay at alagaan. Sila rin na ninakawan na ng tirahan at ginagawa na lang na pagkakitaan.”

I-click ang imahe upang mabasa ang buong post

Samantala, sa kabila ng mga reaksyon sa mga viral na posts, mayroon ding ilang netizens na nanawagan na maging mas malawak sana ang pang-unawa hinggil sa totoong kalagayan ng zoo at ng mga nag-aasikaso at namamahala dito.

Saad ni Katrina Dyangco sa kanyang Facebook account, “I did not work at the Manila Zoo but I did my research there about 3 years ago (thank you Allyssa Anne for helping me out). I honestly agree that everyone there are trying their best to take care of all the animals. With regards sa budget, di ako magmamagaling na alam ko how it all works but I feel that it could be better. I’ve met people there–great and intelligent ones. Not to mention, they are dedicated with the science of it all and being compassionate at the same time.

This applies for damn everything: they need more help than your criticism. Now, we help.”

[Sundan sa susunod na pahina]

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »

Loading...