Matapang na motorista sinita ang mga MMDA enforcers na lumabag sa batas trapiko

Mga larawan mula sa Facebook account ni Ton De Jesus

Sa ilalim ng batas, walang mayaman o mahirap, walang bata o matanda, at walang nagpapasunod o tagasunod. Lahat ay pantay–pantay. Lahat ay kailangang sumunod. Walang exemption to the rule, walang nakaaangat sa batas wika nga. Kailangang managot ang sinumang nagkasala, kahit pa ang mga tagapagpatupad nito.

Mainit na pinag–uusapan ngayon sa Facebook ang post ng netizen na si Ton De Jesus noong Setyembre 1, 2018 makaraang sitahin niya ang dalawang MMDA traffic enforcers na nakasabayan niyang namamaybay sa kahabaan ng C5 Road sa Quezon City, sa harap ng isang sikat na kolehiyo.

Batay sa salaysay ng netizen, pinagnilayan niyang mabuti kung nararapat bang i–post ang mga nakuhang larawan at video ng insidente dahil maaaring mawalan ng trabaho ang mga ito. Subalit kung hindi naman, maaaring mawili raw ang mga “pasaway” na traffic enforcer sa mga gawaing paglabag sa mga batas–trapikong sila dapat ang nagpapatupad.

Makikita sa video na sinisita ni De Jesus ang dalawang MMDA enforcers na may tatlong violation: paggamit ng maling turn signals, hindi maayos na pagsusuot ng helmet, at paggamit ng sirang headlight blinker sa harap ng motorsiklo.

Ikinatwiran ng mga MMDA enforcers na malabo ang kanilang mga mata kaya ginamit ang depektibong headlight blinker. Hinanapan din nila ng mga legal na dokumento ang motorista kung bakit sila sinisita nito.

Ayon kay De Jesus, kahit mga kapwa–rider ay hindi nakalalagpas sa kanyang paninita, lalo na’t lumalabag sa batas–trapiko.

Narito ang buong post ni De Jesus sa kanyang Facebook account:

Image via Ton De Jesus’ Facebook post

Samantala, sa panibagong post ni De Jesus nitong Setyembre 3, 2018, pormal na siyang nagsampa ng reklamo sa MMDA Head Office sapagkat napag–alaman na agad ang eksaktong pangalan at posts ng mga ito.

Image via Ton De Jesus’ Facebook post

Marami sa mga netizen ang humanga sa katapangan ni De Jesus at kumondena naman sa mga MMDA enforcers na sangkot sa naturang isyu.

Nakarating na sa MMDA ang pangyayaring ito, ayon sa ulat ng TV Patrol. Panoorin:

Loading...