PAGASA, nagbabala tungkol sa kumakalat na text message sa umano’y padating ng ‘supertyphoon’

Image from The Weather Channel

MAYNILA, Pilipinas – Nagbabala ang pamunuan ng PAGASA tungkol sa kumakalat na text message hinggil sa umano’y malakas na bagyo na maaaring pumasok sa bansa ngayong linggo.

Ang tinutukoy ng PAGASA ay ang text message na nagdulot ng pangamba sa publiko matapos sabihin nitong aabot sa 240 kph ang lakas ng hanging na maaaring idulot ng ‘Hurricane Mangkhut’ (international name) at may pabugso-bugsong lakas na aabot hanggang 306 kph.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay PAGASA weather forecaster na si Ezra Bulquerin, wala itong katotohanan sapagkat hindi pa masisiguro kung gaano nga talaga kalakas ang naturang bagyo.

“It’s a hoax. We don’t know yet how strong the typhoon will be,” wika ni Bulquerin.

Image from The Weather Channel

Si ‘Mangkhut’ ay posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa darating Huwebes at tatawagin itong ‘Ompong’. Ayon kay Bulquerin, kailangang pumalo sa lakas na 220 kph ang hanging dala ng bagyo para tawagin itong ‘supertypoon’.

“We are expecting on Thursday cloudy skies and scattered rainshowers and thunderstorms over the whole Luzon,” paliwanag ng weather forecaster.

“The western sections of Visayas and Mindanao will also have the effect of the enhanced southwest monsoon, which could bring to moderate to occasionally heavy rains,” dagdag pa nito.

Samantala, ayon sa huling ulat ng The Weather Channel, si ‘Mangkhut’ ay patuloy na lumalakas at namataan sa Western Pacific. Inaasahan itong lalapag sa Guam, Rota, Saipan at Tinian nitong Lunes sa ilalim ng Category 2.

Ito na umano ang isa sa pinakamalakas na bagyo na tatama Guam simula noong 2015.

Inaasahan ding mananalasa si ‘Mangkhut’ sa bahagi ng Pacific Ocean at southeastern Asia kabilang na ang Pilipinas, Taiwan, China at Japan sa mga susunod na araw.

Loading...