Pangulong Duterte kuwelang nakipag-‘dab’ kay skateboard gold-medalist Margielyn Didal

Image via Malcolm Conlan's Facebook post

Masayang binati ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules, Setyembre 12, ang mga  atleta ng Pilipinas na nagpamalas ng kanilang kahusayan at nakapag-uwi ng mga medalya mula sa ginanap na 2018 Asian Games sa Indonesia noong Agosto kung saan ay nakuha ng bansa ang 19th place sa kompetisyon na nilahukan ng 45 na bansa.

Ani ng Pangulo: “It is my pleasure to welcome you back as Filipinos who have made the entire country immensely proud.”

Dagdag pa niya: “I congratulate our athletes and their coaches for their efforts in bringing honor and recognition to the Philippines in the field of sports. We Filipinos have always been known for our competitive spirit, and this year, we did not fall short of showing our trait to our neighbors.”

Tunay namang proud na proud ang Pangulo dahil umabot sa 21 medals ang nasungkit ng ating mga manlalaro — apat na gold,  dalawang silver, at 15 na bronze medals.

Naghatid naman ng ngiti sa social media ang pagkumbinsi ni Margielyn Didal — na gold-medalist ng Asian Games sa larangan ng skateboarding —  sa Pangulo na magsagawa ng ‘dab’ pose; isang sikat na dance step.

Image via Malcolm Conlan’s Facebook post

Bilang panimula ay nagmano muna ang  taga-Cebu na si Didal sa Pangulo at pagkatapos ay sinubukan nga nitong humiling kung maaaring gayahin ng punong ehekutibo ang ‘dab’ dance position. Hindi naman siya napahiya pagkat game na game na pinaunlakan siya ni Pres. Duterte.

I-click ang imahe kung nais mapanood ang video

Ang mga incentives ay ipinamahagi na sa mga atleta alinsunod sa Republic Act (RA) 10699 — ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act. Sa ilalim nito ay nasasaad na entitled ang mga nagwaging atleta sa cash incentives na P2 million (gold medalists), P1 million ( silver medalists), at P400,000 (bronze medalists).

Image via Malcolm Conlan’s Facebook post

Naroon din sa awarding ceremony sina Chairman Butch Ramirez ng Philippine Sports Commission, ang 2018 Asian Games delegation head na si Richard Gomez, Philippine Olympic Committee chairman Abraham “Bambol” Tolentino, Executive Secretary Salvador Medialdea at siyempre pa, ang Special Assistant to the President na si Christopher “Bong” Go.

Image via Malcolm Conlan’s Facebook post

Mapapanood ang buong coverage ng awarding sa Facebook page ng Presidential Communications (Government of the Philippines) 

Loading...