Panukala na nagpapalawig sa maternity leave, lusot na sa Kamara

Image from RMN

MAYNILA, Pilipinas – Lusot na sa third and final reading sa Mababang Kapulungan ang panukala na nagpapalawig sa maternity leave ng mga nanay mula sa kasalukuyang 60 araw.

Nitong Martes, inaprubahan ng mga mambabatas sa Kamara ang  House Bill 4113 o ang panukala na nagtataas ng bilang ng maternity leave ng mga babaeng empleyado sa gobyerno at sa pribadong sektor at opsiyon para sa karagdagang 30 araw na leave na walang bayad.

Sa kasalukuyang batas, ang mga bagong panganak na nanay ay entitled sa 60 na araw na paid maternity leave habang ang mga sumailalim sa caesarian ay entitled sa 78 araw.

Binibigyang-diin din sa naturang panukala na sinumang babaeng empleyado ay hindi maaaring ma-demote o matanggal sa trabaho dahil lamang sa maternity.

Image from Entrepreneur Philippines

Ganunpaman, kailangan pa ring lumusot ng HB 4113 sa bicameral committee dahil ang bersiyon nito sa Senado ay nagtatakda naman ng 120 araw na maternity leave at karagdagang 30 araw para sa mga solo working mother.

Maging ang paternity leave sa ilalim ng Senate Bill No. 1305 ay pinalawig din sa 30 araw mula sa dating 7 araw alinsunod sa kasalukuyang Republic Act No. 7322.

Ayon kay Deputy Speaker and co-author ng panukala na si Rep. Pia Cayetano, bagama’t suportado niya ang HB 4113, kailangan pa rin nilang konsultahin ang Social Security System (SSS) at sektor ng mga employers.

Image from Rep. Pia Cayetano’s Facebook account

Sa nasabing panukala, ang SSS at mga employer ang sasagot sa sasahurin ng empleyado habang naka-leave ito.

“As a women advocate, I’m all for 120 — but I just want to be sure that we can justify that,” wika ni Cayetano.

Ikinatuwa rin ni Gabriela Representative Arlene Brosas ang pagkapasa sa Kamara ng nasabing panukala.

“Pagkilala ito sa produktibong papel ng kababaihan sa ekonomiya at pagtataguyod ng kanilang karapatan sa maternal health na laman ng Konstitusyon,” ani Brosas.

Loading...