Scarlet Snow Belo, nakaharap ang big boss ng isang sikat na milk product

Mga larawan mula sa Instagram account ni Scarlet Snow Belo

Isa sa mga sikat at kinatutuwaang bata sa social media ngayon ang anak nina Vicky Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo.

Halos milyon–milyong fans at followers sa kanyang sariling Instagram account ang sumusubaybay sa kanyang mga larawan at videos na talaga namang nagdudulot ng ngiti at kasiyahan sa puso ng mga netizens. Bakit nga ba hindi, eh napaka–charming at talaga namang pretty itong si Scarlet Snow!

Mga larawan mula sa Instagram account ni Scarlet Snow Belo

Kahit na tatlong taong gulang pa lamang ay may sarili na itong Instagram account. Marami sa mga avid fans nina Vicky Belo at Hayden Kho ang sumusubaybay sa kanilang unica hija na talagang kinagigiliwan.

Kamakailan lamang ay pinag–usapan sa social media ang larawan at video ng paghaharap nina Scarlet Snow at ng big boss ng kompanyang Nestle na si Alex Keller habang sila ay nagbabakasyon sa Singapore.

Makikita sa larawan ang bonding moments nina Keller at Scarlet Snow habang sila ay nag–uusap at nagbabasa ng mga aklat–pambata. Labis naman itong kinaaliwan ng mga netizens.

I met Mr. Alex Keller today. He is the big boss for all infant and growing up milk here in Nestle. He is also Nining @thejojieworld’s next talent because he’s so handsome. #ScarletSnowInVevey #NanKidPH

Mga larawan mula sa Instagram account na @thejojieworld

Sa isang maiksing clip, kinakausap ni Keller si Scarlet Snow tungkol sa hawak niyang aklat. Tinatanong din niya si “Little Belo” hinggil sa ilang mga bagay.  Wala namang kamalay–malay ang bata kung gaano katanyag at kataas na tao ang kanyang kalaro at kausap.

Marami naman sa mga netizens ang “nainggit” kay Scarlet Snow dahil sa pagkakataong makaharap, makausap, at makalaro si Alex Keller.

Updated ang mga followers ni Scarlet Snow kung paano pinalalaki nina Vicky at Hayden ang kanilang anak. Bagama’t lumaking “may gintong kutsara sa kanyang bibig,” sinisikap ng mag–asawa na huwag sanayin ang anak na lumaki sa labis na pagpapalayaw.