Video ng inaantok pang bata na nagbuhat ng upuan imbes na bag, naghatid ng throwback sa netizens

Naaliw ang mga netizens sa na-hulicam na eksenang ito sa isang daycare center sa Kawit, Cavite. Ang bata kasi, sa halip na bag ang maiuwi ay silya ang binuhat palabas ng classroom na para itong backpack!

Ayon kay YouScooper Agnes Orillos, na lola pala ng bata, hindi niya raw inaasahang magiging viral ang kanyang video na naghatid ng good vibes sa mga nakapanood nito. Ito ay nakunan sa CCTV ng Daycare. Nakarating pa ito sa international news.

Image capture via Agnes Ravelo Orillos’ Facebook post

Bumuhos ang reaksyon sa video at karamihan ay nagpahayag ng good vibes at throwback memories. May mangilan-ngilan din namang hindi sang-ayon sa pag-upload ng video sapagkat hindi umano ito makabubuti sa bata.

Ngunit tugon ng iba hinggil dito, wala namang ginawa ang bata na masama para ito ay ma-bully. Ito umano ay isang bahagi ng buhay ng kabataan na kapag naalala mo ay maghahatid sa ito ng ngiti gaya ng pagkaaliw ng maraming netizens na naka-relate sa nakatutuwang insidente.

Image capture via Agnes Ravelo Orillos’ Facebook post

Narito ang ilang komento:

“I don’t see any negative things in the video, beside it’s a chapter of life being a kid. Just simple to say Eh kasi bata.”

“Relate ako dto hahaha ang pinagkaiba lang bag ng kaklase ko ang nabitbit ko hahaha…”

“Naalala ko yung hipag ko sa sobrang antok niya banig ang naihele niya sa halip na kapatid niyang umiiyak.”

“Hahaha…sobrang nakakatawa may ganyan din akong moment…ginising ako ng lola ko, naligo at nagbihis na ako ng uniform handa nang pumasok, ‘yun pala kaya ako ginising kasi maghahapunan na bwuahaha…tanda ko na non pero itong bata super nakakatuwa talaga…”

“Nangyari na rin sa ‘kin ‘yan dati noon bata pa ako, natulog lang sa room at bigla din nagising, ang naiuwi ko papel lang at lapis akala ko dala ko ‘yung bag ko tapos ‘yun pinagtawanan din ako.”

“Hahahaha ganon minsan mayron talaga ganyan, ako palage ganyan noong high skul ako maski college na. minsan noong high skol ako iniwan ako mga klasmeyt ko sa room, paggising ko iba na mga estudyante sa loob pero instead na nagalit ako nagtawanan lang lahat kc pati director namin sa iskul tawa nang tawa sa akin.”

“Ako naman grade 2, tulog ako, ginigising ako ni teacher, bigla ako nagtaas ng kamay sabay sabi ng “present!”

“Parang naalala ko nung Prep pa lang ako, inuwi ko talaga yung silya ng school.”

“Parang ako lang din kumain na tulog… Kaya pala paggising ko ng umaga busog ako..ginising pala ako ng tatay ko para kumain pero hindi ko alam lakas ko daw kumain hahaha.. Goodvibes guys!”

“Hahahaha.cute..lahat tayo kapag bigla nagising at naalimpungatan may mga bigla action hindi na natin naiisip..happy vibes lang.”

“Nakaka relate ako diyan nangyari na ‘yan sa anak ko tulog siya, naalimpungatan, binubuhat ‘yung mahabang bamboo set.’

“Nung ikaw bagong gising binitbit ang damit pampasko papasok sa banyo kahit noche buena pa lang.”

“hahahaja parang ‘yung pag tulog ka sa jeep. pagbaba mo saka mo lang naalala na ‘di ka pa pala bayad.”

“Remember mo ‘yung pang umaga duty mo e di xempre puyat ka. After shift umuwi ka natul0g then nung naalimpungatan ka eh akala mo late ka na kc mataas na araw samantalang palub0g naman. Ura urada ka nagbihis at nagpunta petr0n!”

“Eto Ang nakakamiss sa childhood kahit magkamali it’s not a big deal sa part nila…part of being a kid..sila mismo tatawanan dn nila ‘yan pagdting ng araw.”

“Alam mo, kung masaya kang namumuhay isa itong childhood memories na sarap balik-balikan kung matanda na tayo…”

“If this is me. I would be happy. My unforgettable memory.”

“Ang nega naman ng iba, maski naman nung mga bata pa tayo may mga funny moments tayo, na kapag tumanda tayo, maalala natin at mapag-uusapan, at tatawanan balang araw, siguro hindi masaya ang kabataan ng mga nega dito. Kung may mga fb na tayo noon pa, mas madami pang masasayang moments na ganyan.”

“Iba talaga ang mga Filipino pagdating sa mga katatawanang experience sa buhay. Iba ang mga banyaga pagdating sa mga ganitong mga bagay. Mga sensitibo sila. Tayo, lahat na yata ng bagay ginagawa nating masaya. Kaya tayong mga Filipino ay hinahangaan ng ibang lahi. Positibo kasi tayo sa buhay kahit naghihirap, namatayan, nananakawan, o nasusunugan. Relax, watch and enjoy lang.”

“Yung OA dito na nega ang comment walang masayang childhood yan noon kaya mga bitter.”

Narito ang video na ibinahagi ng YouScooper sa kanyang Facebook account na umabot na sa halos 10 milyon na views at mahigit 222,000 shares.

Narito naman ang sa GMA News na umabot na sa mahigit 371,000 views.

YouScoop: Bata, silya ang nadala sa halip na bag nang pauwi na

Naaliw ang mga netizen sa na-hulicam na eksenang ito sa isang daycare center sa Kawit, Cavite. Ang bata kasi, sa halip na bag ang maiuwi ay silya ang binuhat palabas ng classroom! Ayon kay YouScooper Agnes Orillos, hindi niya raw inaasahang magiging viral ang kanyang video na naghatid ng good vibes sa mga nakapanood nito.

Posted by GMA News on Thursday, August 30, 2018