Athletes’ Village sa New Clark City, nakahanda na para sa nalalapit na 30th SEA Games

  • May “Athletes’ Village” na ang mga Pilipinong atleta bilang paghahanda sa 30th SEA Games
  • Matatagpuan ito sa New Clark City sa Tarlac
  • Gaganapin ang 30th SEA Games sa New Clark City Stadium sa darating na Nobyembre 2019

Pinatayuan ng sariling “Athletes’ Village” sa New Clark City, Tarlac ang mga Pilipinong atleta na lalaban at kakatawanin ang Pilipinas para sa nalalapit na ” 30th Southeast Asian Games” o SEA Games nitong Nobyembre 2019 kung saan ang host ay ang Pilipinas.

Dito umano titira at mananatili ang mga Pilipinong atleta upang makapaghanda sa SEA Games. May basketball court, swimming pool, gym, at mga tulugan na parang hotel ang dormitoryo dito. Itinayo ito malapit sa pagdadausan ng SEA Games para hindi mapalayo ang mga atleta.

Public Domain Image

Samantala, ang SEA Games naman ay isasagawa sa ipinagawa at ipinaayos na New Clark City Stadium na matatagpuan sa lalawigan ng Tarlac.  Ipinagmamalaki ng pamahalaan na ang stadium na ito ay kaisa–isang IAAF certified athletics stadium sa Pilipinas at magiging central hub ng SEA Games. Bukod sa mga makabagong pasilidad para sa mga sports, ito ay binubuo ng 20,000 mga upuan na sasapat sa lahat ng mga magiging atleta, manonood, at panauhin sa naturang SEA Games.

Umani naman ito ng iba’t ibang mga reaksyon mula sa netizens.

“Napakaganda, salamat sa pangulo at mabibigyan ng importansya ang mga atletang Pinoy. Kudos! Sana marami rin tayong panalo.”

“Mas ok diyan, pagsama–samahin ang mga atleta para maka–training nang maayos… diyan na magsisimula ang paghakot ng gold ng Team Pilipinas.”

“Just curious, what’s the plan with the Athletes’ Village after the event? Will this be converted to a regular hotel or will it house our future athletes?”

“Siguradong gaganahan ang mga manlalarong Pinoy kasi binibigyan na sila ng pansin hindi tulad dati mapapansin ka lang kapag may masungkit kang gold medal.”

Public Domain Image

Panawagan ng netizens, sana raw ay ipagpatuloy lamang ang pagpapagamit sa mga pasilidad ng Athletes’ Village pagkatapos ng SEA Games upang makapag–ensayo nang mabuti ang ating mga atleta. Paalala naman sa mga atleta, nawa raw ay gamitin nila ito nang maayos at pakaingatan upang hindi naman masayang at mapakinabangan pa sa mga susunod na panahon.

Loading…