Batang babae na 100% Pinoy ang mga magulang, kulay asul ang mga mata

  • Isang batang babae sa Sarangani, kulay asul ang mga mata
  • Walang lahing banyaga ang batang babae
  • Sabi ng isang espesyalista sa mata na kulang sa melanin ang mga mata ng bata

Kinukonsidera ng marami na mas kaakit-akit ang kulay asul na mga mata kumpara sa ibang kulay nito. Lalo na sa mga bansa sa Asya na bihira ang mga taong nagtataglay ng ganitong kulay ng mga mata.

Screenshot mula sa video ng Stand for Truth ng GMA

Sa Sarangani sa Central Mindanao, isang batang babae ang nakakapukaw ng atensyon ng marami dahil sa mga kulay bughaw niyang mata. Wala siyang lahing banyaga dahil parehong siyento porsyentong Pilipino ang mga magulang ng bata na kinilalang si Chenie Abarao Tuvilla.

Ayon sa ina niyang ni Cherry Mae, ilan sa mga kamag-anak niya ang may katulad na kondisyon, pero kaiba sa kanyang anak na si Chenie. Isang mata lang ang kulay asul sa mga kaanak na sinasabi niya.

Kuwento pa ni Chery Mae, tinatawag ng mga kapwa bata na “Barbie” o manika ang kanyang anak.

Sinabi ng isang espesyalista sa opthalmic surgery na ang mga matang may kulay katulad ng kay Chenie ay produkto raw ng isang mutation na naglilimita sa produksyon ng melanin sa iris.

“So dahil kulang ng melanin, instead na ina-absorb ng melanin ‘yung light, ang nangyayari, ini-scatter back niya. Nag-re-reflect. So, ang nangyayari nagmumukhang blue or green or gray or yung mata natin,” ani Dr. Margarita Echaves.

Screenshot mula sa video ng Stand for Truth ng GMA

Normal naman na nakakakita ang mga mata ni Chenie, pero may kaunti siyang problema sa pagdinig kaya hindi pa siya gaanong nakapagsasalita.

Naniniwala naman ang ama ng bata na kalaunan ay makapagsasalita na nang  normal ang anak.

“Masaya ako na normal siya. Kita naman na nakakapagsalita siya, kahit sabi nilang hindi siya nakakapagsalita. Sabi niya nga,  ‘mama, mama’,” sabi ni Ronnie Tuvilla.

Screenshot mula sa video ng Stand for Truth ng GMA

Isang netizen ang nagkomento sa video tungkol kay Chenie at nagsabing “Waardenburg Syndr0me” ang kondisyon ng bata.

Ayon sa Healthline, may apat na uri ang “Waardenburg Syndr0me” – Type 1 hanggang Type 4. Base sa sintomas na mayroon si Chenie – pale blue eyes at problema sa pandinig – ay Type 1 ang kanyang kondisyon.

Loading…