Batang palaging napapagalitan sa school dahil mahilig mag-doodle, na-hire mag-drawing sa pader ng restaurant

  • Batang mahilig mag-drawing sa notebook sa oras ng klase palaging napapagalitan ng guro
  • Hinikayat lalo ng kanyang mga magulang ang hilig nito sa pagguhit at ini-enroll sa isang after-school art class
  • Na-hire ang bata na mag-drawing sa pader ng main dining room ng isang restaurant

Mahilig mag-doodle o gumuhit ng mga simpleng larawan at hugis ang siyam-na-taong-gulang na batang lalaki mula sa United Kingdom, pero palagi siyang napapagalitan ng kanyang mga guro dahil ginagawa niya iyon sa oras ng klase. Ginagawa niya ang mga doodlings sa notebooks at sa whiteboard sa loob ng classroom niya sa school.

Screenshot mula sa video ng Storytrender via Live Leak

Kahit laging napapagalitan sa school, hindi pinatigil ng mga magulang niya si Joe Whale sa hilig niya sa pagguhit. Lalo pa nilang hinikayat ang pagiging malikhain ng anak. Ipinasok nila si Joe sa isang after-school art class na kung tawagin ay Bloom.

Napansin ng may-ari ng Bloom at art teacher na si Kerry Jones na advanced para sa kanyang edad ang husay sa pagguhit ng batang si Joe kaya isinama niya ito sa mga estudyanteng mas matanda sa kanya.

Sabi ni Jones ay mga orihinal na characters ang iginuguhit ng bata gamit ang black marker. Hindi na raw nito pinapraktis ang iguguhit bago ilapat sa papel gamit ang black pen. Binigyan ng sariling pader si Joe sa art school kung saan siya nagdu-doodle linggo-linggo.

“His drawings blew his teacher away and they gave him his own wall to keep doodling on which he does every week when he goes there,” kuwento ng ama ni Joe na si Greg Whale.

Ilang linggo lang ang nakalipas matapos mag-enroll sa art class si Joe, nagbahagi si Kerry Jones sa Instagram para makita ng mga followers niya ang mga likha ng kanyang estudyante.

Imahe mula sa LinkedIn account ni Greg Whale via Inquirer

Nakita ng isang restaurant owner sa Instagram ang mga doodlings ni Joe at agad na tinawagan ang art teacher at tinanong kung maaaring papuntahin ang bata sa restaurant para mag-drawing sa isang pader ng main dining room.

Tuwang-tuwa naman si Joe at mga magulang niya sa alok ng restaurant owner.

“They wanted to get Joe into their restaurant to complete an art piece on their wall, and it was in their main dining area, we were over the moon. I asked Joe and he of course leapt at the chance to do it so we have been going there after school where for a couple of hours a night he’ll put his creativity on their wall,” sabi ni Greg Whale.

Ibinahagi ni Greg sa LinkedIn ang doodlings ni Joe sa restaurant at humakot na iyon ng mahigit isa at kalahating milyong views at comments.

Imahe mula sa LinkedIn account ni Greg Whale via Inquirer

Loading…