Cargo plane, nag–trial landing sa Sangley Airport bilang bahagi ng dry run

  • Nag-trial landing ang isang cargo plane sa Sangley Airport
  • Malapit na itong magbukas sa darating na Nobyembre 2019
  • Solusyon ito para sa decongestion ng Ninoy Aquino International Airport

Nagsagawa ng trial landing ang isang cargo plane sa pinakabagong paliparan na Sangley Airport sa Cavite noong Oktubre 29, 2019 na nakatakdang magbukas sa unang linggo ng Nobyembre.

Makikita sa kuhang video ng reporter na si Jacque Manabat sa Twitter ang trial landing ng cargo plane na nasa ilalim ng CebGo, subsidiary ng Cebu Pacific.

Pinangunahan  ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang tour sa Sangley Airport, na itinuturing na malaking tulong para sa decongestion ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA); ang pinakapangunahing paliparan sa bansa na matatagpuan sa Pasay City.

Public Domain Image

Ayon kay CebGo Chief Operating Officer Alex Reyes, pinag–aaralan pa rin nila ang magiging sistema sa naturang paliparan lalo pa’t bago pa lamang ito, at malayo sa tipikal na pinupuntahan ng mga tao na NAIA.

“If it can handle the passenger flow, of course we will study it and make sure there is a market in place,” ayon kay Reyes.

Dagdag pa ni Reyes, plano ng CebGo na magdagdag pa ng mga turbopop cargo plane na babase talaga sa naturang paliparan upang makapaghatid ng serbisyo sa mas maraming mga mananakay.

“This will become the hub and the base for the 2 turboprop freighters that we will have in our fleet in 2020,” garantiya ni Reyes.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte noong Hunyo 2019 ang rehabilitasyon ng Sangley Airport sa Cavite sa loob lamang ng limang buwan upang ma-decongest ang NAIA.

Kapag nagbukas na ang Sangley, inaasahang make-cater nito ang general aviation, na ginagamitan lamang ng maliliit na eroplano, business jets at turboprop airplanes, kaya kailangan pang i–upgrade ang pasilidad ng naturang paliparan.

Public Domain Image

Magbibigay rin sila ng ferry service para sa mga pasaherong magnanais na sumakay ng eroplano mula sa Sangley Airport lalo na kung punumpuno na ang mga pasahero sa NAIA.

Loading…