Grupo, nanawagan sa FDA na suriin ang popular na Baby Powder brand kaugnay sa kontaminasyon ng asbestos

  • Labor group, nanawagan sa FDA na suriin ang Johnson’s Baby Powder na ibinebenta sa bansa
  • Ang panawagan ay kasunod ng product recall ng 33,000 bottles ng Johnson’s Baby Powder sa Estados Unidos
  • Isang batch ng nasabing baby powder ang natuklasang kontaminad0 ng asbetos

Nanawagan ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa Food and Drug Administration (FDA) na isailalim sa pagsusuri ang isang popular na brand ng baby powder kung may sangkap iyon na posibleng nagdadala ng panganib sa mga gumagamit.

Screenshot mula sa video ng Reuters

Ayon sa pahayag ng ALU-TUCP, dapat suriin ng Philippine FDA ang Johnson’s Baby Powder na ibinebenta sa bansa kung nagtataglay iyon ng asbestos na posibleng makaapekto sa kalusugan ng mga gumagamit nito.

Ang panawagan ng grupo ay kasunod ng product recall ng 33,000 botelya ng nasabing baby powder na isinagawa ng Jonhson&Johnson sa Estados Unidos matapos matuklasang kontaminad0 ng chrysotile asbestos fibers ang batch na kinabibilangan ng mga produktong inalis sa merkado.

“We are calling upon the FDA to proactively take steps to mitigate the undue anxiety felt by consumers caused by this serious discovery of asbestos contamination in a baby product commonly used by so many Filipinos across our growing population,” pahayag ni ALU-TUCP National Executive Vice President Gerard Seno.

“We are urging them to conduct product evaluation test to assure the quality and safety of the product poses to the health of consumers,” dagdag pa niya.

ALU-TUCP National Executive Vice President Gerard Seno./Imahe mula sa ALU-TUCP

Giit pa ni Seno, dapat siguruhin ng FDA ang “safety, purity, at efficacy” ng nasabing baby powder brand upang protektahan ang kalusugan at kapakanan ng publiko. Mas mainam raw na magkamali ang FDA sa ngalan ng pag-iingat kaysa mapagtanto sa huli na nakompromiso na ang kaligtasan at kalusugan ng publiko dahil hindi sinuri ang produkto.

Nagpahayag naman ang Johnson&Johnson na ang isang batch ng baby powder na ibinebenta sa Estados Unidos lang ang posibleng may kontaminasy0n ng asbestos. Hindi raw apektado ang mga produktong nasa merkado sa labas ng United States.

Imahe mula sa Johnson&Johnson

Loading…