Halloween costume na nagpapakita ng bagsak na iskor sa finals, kinaaliwan

  • Kinaaliwan sa social media ang “naiibang” halloween costume” ng isang college student
  • Nagsabit siya sa katawan ng malaking coverpage ng examination filler na may iskor na “bagsak” sa naganap na finals sa University of the Philippines
  • Para sa mga Isko at Iska ng Bayan, ito raw ang tunay na nakatatakot

Halloween na naman, kaya uso na naman ang mga gawaing kaugnay nito gaya ng “Trick or Treat” at kaliwa’t kanang “Halloween Party” na kinakailangang may costume ang mga dadalo. Imbes na mga kasuotang may kinalaman sa “elemental” na mundo gaya ng multo, bampira, at iba pa, mga iba pang mga bagay na “nakakatakot” ang naiisip na pakulo ng ilan.

Kung pinag–usapan ang costume ng isang batang sinabitan ng bill ng kuryente sa katawan, kinaaliwan din ang isang college student na nagsabit naman ng malaking coverpage ng filler na ginagamit sa pagkuha ng final examination sa “University of the Philippines”.

Imahe mula sa Facebook account ni Andre Dao

Ayon sa Facebook post ni “Andre Dao”, ito raw ang “halloween costume” ng mga Isko at Iska ng Bayan: ang resulta ng bagsak na iskor sa huling pagsusulit, lalo na sa asignaturang Math. Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens, lalo na ang mga mag–aaral sa UP.

“Happy Halloween talaga kapag ganyan ang nangyari sa scores mo sa finals. Nakakapanginig ng balahibo hahaha.”

“Naku, Math 25 pa naman. Talagang mahirap ang subject na iyan. Kailangan talaga nang madibdibang pagrereview para hindi mabaon sa lupa hahahaha.”

“Nakakatakot nga iyan. Tiyak na kaliwa’t kanan ang sermon na aabutin mo sa mga magulang mo. O kaya, RIP scholarship. Kaya dapat pagbutihin ang pag–aaral.”

Nagsimula ang pagdiriwang ng Halloween sa mga bansang Kanluranin na nagsisimula sa gabi ng Oktubre 31, o gabi ng Western Christian feast of All Hallow’s Day. Kabahagi ng pagdiriwang nito ang “trick or treat”, halloween costume parties, at pag–uukit ng nakatatakot na mukha sa kalabasa na nilalagyan ng ilaw sa loob, pagkukuwentuhan ng ukol sa kababalaghan sa harap ng bonfire, o panonood ng pelikulang horror o nakatatakot.

Loading…