Janine Berdin, nagpaliwanag kung bakit hindi siya napapanood kamakailan sa ASAP Natin ‘To at It’s Showtime

  • Sinagot ni Janine Berdin kung bakit hindi siya ngayon napapanood sa “It’s Showtime” at “ASAP Natin ‘To”
  • Kailangan niya kasing ipahinga ang tinig dahil sa vocal nodules na nakita sa kaniyang lalamunan
  • Nananabik na ang kaniyang mga tagasuporta na muli siyang marinig at mapanood sa telebisyon

Isa sa mga promising singers sa industriya ng musika si “Tawag ng Tanghalan Season 2” grand winner Janine Berdin, na napabilib ang lahat dahil sa kaniyang kakaibang tinig na bagay na bagay sa kaniyang piniling genre na alternative rock. Matapos ang kaniyang pagkapanalo, lagi nang napapanood ang kaniyang mahusay na performance sa “It’s Showtime” at “ASAP Natin ‘To”.

Public Domain Image

Subalit kamakailan lamang ay pinagtakhan ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta kung bakit hindi na nila napapanood si Berdin sa dalawang noontime shows. Marami ang nagtanong sa mang–aawit kung ano ang nangyari sa kaniya sa pamamagitan ng social media.

Sa pamamagitan ng Instagram post ay sinagot ni Berdin ang tanong ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta. Batay sa screenshot na nakapost, kinailangan niyang ipahinga ang kaniyang vocal chords dahil nakitaan siya ng vocal nodules mga bandang Setyembre. Kinakailangan niyang gumamit ng steroids na naging dahilan upang magkaroon siya ng “Cushing Syndrome”.

Ito raw ang naging dahilan kung bakit namamaga raw ang kaniyang mukha. Pinabulaanan niya ang mga haka–haka na nagparetoke siya. Kahit raw maraming “ayaw” sa kaniyang hitsura, hindi raw ito magiging balakid upang tumigil siya sa pagkanta. Sumali raw siya sa TNT upang ibahagi ang kaniyang talento sa pag–awit at hinding–hindi siya hihinto.

“With everything said, I hope you forgive me if I am not visually up to par with your standards anymore or ever since; you can unfollow me, but I will still sing. And I will never stop singing. Because that is what I want, what I have hoped for, and I am,” saad ni Berdin sa kaniyang post.

Imahe mula sa Instagram account ni Janine Berdin

Bumaha naman ng pagsuporta mula sa kaniyang mga tagahanga ang comment section ng kaniyang IG post.

“This is exactly what makes you a true artist! I will truly pray for you IDOL. I love you in so many ways. You have a booming voice and bags of character in your tone. Take care of yourself and don’t mind the bashers! Keep fighting!”

“Get well soon po, Janine Berdin! Just do your passion by your heart love na love po namin kayo. Praying for your fast healing.”

“Don’t mind them.  Keep singing and just keep your faith. You are healed.”

Nawa ay gumaling ka na, Janine Berdin! Excited na kaming marinig ang iyong tinig!

Loading…