Kamikazee, kinaiilagan ni Chito Miranda; ayaw na ayaw makasabay sa pagtugtog at pagkanta

  • Ayaw makasama ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar ang bandang Kamikazee sa tugtugan
  • Masyado raw silang magaling, lalo na ang lead vocalist ng Kamikazee na si Jay
  • Matagal na pala ang barkadahan ng mga kasapi ng Parokya at Kamikazee noon pa mang sila ay mga college students pa lamang

Tahasang sinabi ng lead vocalist ng bandang “Parokya ni Edgar” na si Chito Miranda na sa lahat ng banda sa Pilipinas, ang pinakaayaw nilang makasabay at makasama sa isang jamming ay ang bandang “Kamikazee”.

Nagmistulang tribute o pagpupugay sa Kamikazee ang Facebook post ni Chito sa tunay niyang pangalang “Alfonso Miranda, Jr. Isang paglilinaw — hindi magkagalit o magkaaway ang Parokya ni Edgar at ang Kamikazee. Ang totoo niyan, sila ay magkakaibigan.

Imahe mula sa Facebook account ni Chito Miranda

“Mahigit 25 years na kaming tumutugtog bilang Parokya, at nakasabay na yata namin lahat ng mga pinakasikat at pinakamalulupit na banda sa Pilipinas, mula nung 90’s, hanggang sa kasalukuyan, pero sa lahat ng mga banda, tanging isa lang ang ayaw na ayaw naming nakakasabay tumugtog, ngunit gustung-gusto naming nakakasama. Ang Kamikazee,” ayon sa panimulang talata ni Chito.

Dagdag pa ni Chito, mahal niya ang Kamikazee lalo’t sobrang saya nilang kasama at magbabarkada sila, simula pa noong sila ay nag–aaral sa UP Diliman. Kahit na may sari–sarili na silang mga pamilya ay walang nabago sa kanilang samahan.

“Mahal na mahal ko sila, at sobrang saya nila kasama. Magkakabarkada kami sa UP Fine Arts bago pa sila maging Kamikazee, at araw-araw kaming magkakasama mula umaga hanggang gabi. At kahit tumanda na kami’t naging sobrang busy na sa mga gigs at sa kani-kanilang mga pamilya, ganun na ganun pa rin ang aming samahan, at sobrang saya pa rin tuwing nagkikita’t nagsasama-sama kami.”

Kaya lamang, pagdating naman sa tugtugan at kantahan, ayaw na ayaw nilang makasama ang Kamikazee dahil nagmumukha raw silang “butatoy” dahil napakahusay nila. Maangas ang tugtugan at napakagaling pa umano ng lead vocalist nitong si “Jay” lalo na sa pagdadala ng crowd. “Magaling na sila dati, pero sobrang ginalingan pa raw ngayon”.

Pinatotohanan pa ito ni Chito na sa tuwing nagkakasabay ang Parokya at Kamikazee, tinitiyak nilang laging nauuna ang Parokya. Hindi sila pumapayag na mauna sa performance ang Kamikazee dahil napakataas lagi ng enerhiya ng mga ito, lalo na si Jay. Ganoon daw sila kagaling at ganoon daw sila ka–intimidating. Dagdag pa ni Chito, “Iba talaga ang Kamikazee eh.”

Public Domain Image

Marami naman sa netizens na tagahanga ng dalawang mahusay na banda ang humanga sa ginawa ni Chito.

“Solid Kamikazee & Parokya kami! We love you both! Napakahumble mo, Chito! Mahusay rin naman ang Parokya. Actually walang makakapantay sa inyong dalawa ni Jay.”

“This is so true! Pero respeto pa rin at pagmamahal sa PNE (Parokya ni Edgar), kayo ang dahilan kung bakit lumabas ang Kamikazee.”

“Iyan ang tunay na tropahan. Buhatan! Tapos humble part pa kay Master Idol. Saludo!”

Kampay at pagpupugay sa dalawang bandang haligi ng rock en roll sa Pilipinas!

Loading…