Kilalanin at alamin ang journey to stardom ni Ivana Alawi, isang rising Kapamilya star

  • Isa sa mga bagong mukha ng Kapamilya network si Ivana Alawi
  • Ngunit bago siya napanood sa ABS-CBN ay sumali muna siya sa StarStruck 6
  • Kapatid rin niya ang isang Kapuso child actress na si Mona Louise Rey

Patuloy na tumutuklas ng mga future big stars ang ABS-CBN. Sa mga nagdaan at bago nilang teleserye at iba pang programa, laging mayroong bagong mukhang ipinakikila ang Kapamilya network. Sa nagtapos na teleserye ni Jodi Sta. Maria, isang bagong pangalan ang tumatak sa mga manonood.

Marami ang nakapansin sa angking kagandahan at kaseksihan ng baguhang aktres na si Ivana Alawi nang mapanood sa teleseryeng Mea Culpa: Sino ang Maysala. Gumanap siya bilang isa sa magbabarkadang kumuha sa anak ni Jodi sa serye.

Larawan mula sa Instagram account ni Ivana Alawi

Simula noon, nagsunod-sunod na ang mga proyekto at TV guestings in Ivana. Ngunit ang totoo, hindi naman talaga bago sa kanya ang pag-aartista. Bago nakilala bilang Ivana Alawi, sumali muna siya sa Season Six ng reality show ng Kapuso network na StarStruck.

Mariam Al-Alawi ang pangalan noon ni Ivana nang sumali sa StarStruck. Nakapasok naman siya sa top 28 pero hindi napasama sa final 14 ng kompetisyon. Tumatak din si Ivana, na dating si Mariam sa StarStruck, bilang kapatid ng Kapuso child actress na si Mona Louise Rey.

Nakilala si Mona sa ilang top rating Kapuso show na Ang Munting Heredera at Aso ni San Roque. Nang sumali sa StarStruck, ibinunyag ni Ivana na marangya ang kanilang pamumuhay. Hindi tulad ng karaniwang showbiz hopeful, hindi pagtulong sa pamilya ang pangunahing rason niya sa pag-aartista.

Lumaki si Ivana sa Bahrain kapiling ang kanyang Arabian na ama. Nag-aral siya sa isang British school dahil sa kanilang marangyang pamumuhay. Gayunman, nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan ang mga magulang ni Ivana at nauwi sa hiwalayan.

Larawan mula sa Facebook page ni Ivana Alawi

Umuwi sila rito sa Pilipinas kahit nagdadalantao ang ina ni Ivana kay Mona Louise. Maiiwan sana si Ivana sa ama ngunit sumunod rin siya sa kanyang ina at nagpauwi dito sa Pilipinas. Ngunit nang narito na sa bansa, nagkaroon daw ng mga pagkakataong naging pasaway si Ivana.

Pinaalis daw siya pansamantala ng ina sa kanilang bahay at doon niya pinasok ang iba’t ibang trabaho katulad ng pamimigay ng flyers sa mga events. Doon raw niya naisip na mahirap kumita ng pera.

Kamakailan, nanalo si Ivana bilang best new TV personality sa PMPC Star Awards 2019 dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Mea Culpa.

Loading…