King of Talk Boy Abunda, nais maka-one-on-one interview ang Kapuso journalist sa si Jessica Soho

  • Nais daw makapanayam ni Boy Abunda ang journalist na si Jessica Soho
  • Ito ay matapos matanong ni Robi Domingo sa anniversary ng show niyang The Bottomline
  • Si Abunda kasi ang kinapanayam sa episode na iyon, imbes na siya ang mag-i-interview sa mga guest

Tinaguriang King of Talk ang Kapamilya host na si Boy Abunda. Sa dami kasi ng mga nakapanayam niyang celebrities, marami na rin siyang mga naibatong tanong at natuklasan sa mga ito na naging usap-usapan ng buong bansa.

Isa sa matitibay na programa ni Abunda ay ang The Bottomline. Sa pagdiriwang ng show ng isang dekada sa ere, imbes na si Abunda ang magtanong sa mga guest, siya ang naisalang sa hot seat ng programa. Nagtanong sa kanya ang mga kapuwa Kapamilya hosts na sina Dimples Romana, Robi Domingo, at Bianca Gonzales.

Larawan mula sa YouTube account ng ABS-CBN Talk

Naitanong ni Domingo sa King of Talk kung sino ang nais niyang makapanayam sa mga artista at personalidad sa Kapuso network, maliban sa phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza na nag-guest na sa show niyang Tonight with Boy Abunda.

Una niyang binanggit ang pangalan ng anak ni The King FPJ at ang tinaguriang Kapuso Prime Actress na si Lovi Poe. Ayon kay Abunda, nakikita niya raw na ‘interesting’ ang personalidad ni Poe. Isinunod niya si Marian Rivera na nakapanayam niya na rin sa Bandila noon.

Ngunit nang mabanggit ni Abunda ang pangalan ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho, lalong nagkaroon ng interes sina Romana, Domingo, at Gonzales dahil ayon sa kanila, magiging kapana-panabik ang kanilang magiging usapan.

“Another person that I love to do an interview with is my friend Jessica Soho,” bulalas ni Abunda na nakakuha ng ‘wow’ reaction mula sa mga celebrity interviewer niya.

Humabol ng tanong si Domingo kung ano raw ang unang bagay na itatanong ni Abunda kay Soho kung sakaling matupad ang kanyang dream interview. Pahayag ni Abunda, itatanong niya raw kung ano ang pinakamalaking maling akala tungkol sa trending Kapuso journalist.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

Nais din umano ni Abunda na maitanong sa kaibigang journalist kung mayroon daw ba siyang mga nasaktan bago marating ang tagumpay na tinatamasa. Ibabato niya rin daw ang tanong kung ano ang handang isuko ni Soho para sa isang magandang istorya.

Sang-ayon naman ang mga netizens sa pagpili ni Abunda kay Soho dahil perfect match daw ang dalawa. Pareho daw silang mahusay magbigay ng tanong sa kanilang kinakapanayam, gayundin ang tahasang pagsagot sa mga tanong na ibinabato sa kanila. Hiling nila, sana raw ay mangyari ang Tonight with Boy Abunda and Jessica Soho, o ang Kapuso Mo, Jessica Soho kasama si Boy Abunda.

Loading…