Lalaki at babaeng magkasukob sa loob ng plastik habang umuulan, kinaaliwan

  • Kinaaliwan sa social media ang larawan ng isang lalaki at babaeng magkasukob sa loob ng isang plastik habang nasa kalsada at umuulan
  • Mapapansing magkaharap pa ang dalawa at tila nag–uusap
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens

Kapag naabutan ng ulan at may kasama ka, normal lamang na makisukob sa dala niyang payong, kapote, o anumang pananggalang. Kung wala namang dalang kahit isa nito, maaari din namang huminto muna sa paglalakad at makisilong muna. Subalit paano kung makakita ka ng isang lalaki at babaeng magkasukob sa loob ng isang plastik?

Kinaaliwan sa Facebook page na “Takbong Pogi” ang larawan ng isang lalaki at babaeng magkasukob sa loob ng plastik habang umuulan. Hindi naman natukoy kung saang lugar ito. Kumbaga, ang mga ganitong eksena ay bibihira lamang.

Imahe mula sa Facebook page na “Takbong Pogi”

Umani naman  ito ng reaksyon mula sa netizens.

“Dapat yung itim na plastic agad ang ginamit nila. Para di kita, if you know what I mean. Nakakairita kasi sila eh, lalo na sa mga single na kagaya ko.”

“Sana ganyan ang mga lalaki no, may dalang plastik. Para kapag may nangailangang girl, iyan ang gagamitin nilang silungan. The moves ang tawag sa ganiyan hahaha.”

“Bakit hindi na lang garbage bag ang ginamit nila? Tapos talian din sa beywang para hindi na sila makaalis hahaha, char… bitter?”

“May sarili silang mundo, huwag kayong makialam. Inggit lang kayo kasi wala kayong kasukob.”

“Naku ate, bili ka na lang ng sarili mong payong o kapote, maghihiwalay rin kayo. Parang masagwa kasing tingnan tapos nasa kalsada pa. Matatawa ka na lang. O baka naman pakulo lang iyan ng guy para masolo niya si ate girl. Mga galawan nga naman ng mga lalaki.”

“Sarap pagbuhulin ng dalawang ito! Magjowa ba sila o magkaibigan. For sure hindi sila strangers sa isa’t isa.”

Ang ginawa ng dalawang ito ay tinatawag na PDA o Public Display of Affection na kadalasang ginagawa ng isang tao kapag malapit ang kaugnayan niya sa kasama, at pagpapamalas ng damdamin para sa kaniya at sa publiko. Maaaring ito ay katanggap–tanggap sa paningin ng iba o maaari din namang hindi.

Public Domain Image

Kaya mo bang gayahin iyan sa iyong kasintahan?

Loading…