Mala–payong na cloud formation, nabuo sa tuktok ng Bulkang Mayon

  • Namangha ang netizens sa nabuong mga ulap sa tuktok ng Bulkang Mayon
  • Mala-payong kasi ang hitsura nito na nakuhanan ng mga larawan ng isang Facebook user
  • Ang Bulkang Mayon ay aktibong bulkan sa Legazpi, Albay

Mistulang pinayungan ng mga ulap ang tuktok ng sikat na Bulkang Mayon sa Albay, na kilala sa tawag na “perfect cone” dahil sa makapigil–hininga at perpektong korte nito.

Ayon sa Facebook post ng nagbahagi nitong si “Ian Rodrick Astor Ogama”, kahanga–hanga ang cloud formation na nabuo sa bunganga ng Bulkang Mayon dahil mukha itong payong.

“Atm. Mayown!”

Imahe mula sa Facebook account ni Ian Rodrick Ogama

Umani naman ito ng komento mula sa netizens.

“It looks very amazing! Lalo na kapag alam mo ang alamat ng Bulkang Mayon.”

“Naging parang snow-covered ang Mayon dahil sa white clouds that surrounds her crater. What a beautiful scenery! Napakaswerte ng mga locals kasi nakikita nila ang mga ganito.”

“Rare pics of Mayon. It was really amazing and enticing!”

Itinuturing ng mga taga-Albay ang Bulkang Mayon bilang sagradong bulkan. Ito ay aktibo. Naitalang may halos 50 pagsab0g na ito na ang una ay noong 1616 at nasundan pa ng ilan pang pagsabog o pagputok hanggang sa kasalukuyan.

Imahe mula sa Facebook account ni Ian Rodrick Ogama

Ang pinakamalakas na pagsabog ng Bulkang Mayon ay noong Pebrero 1, 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 tao ang yumao dahil dito.. Ang kampanaryo ng simbahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabaw ng lupa.

Maraming alamat ang pumapalibot dito at iba-iba rin ang bersyon. Ngunit ang sigurado, ang pangalang “Mayon” ay nagmula umano sa isang prinsesa na si “Daragang Magayon” na nangangahulugang “Magandang Dalaga”.

Dahil sa taglay na kariktan ni Magayon, marami umanong mga datu at ginoo ang nahumaling sa kaniya, at naghangad na makuha ang kaniyang mga kamay at maging kabiyak. Humantong umano ito sa hidwaan sa pagitan ng mga lalaking namimintuho sa kaniya; hanggang sa sinawimpalad si Magayon at ang tunay na lalaking nagmamay–ari ng kaniyang pus0 na si Gat Malaya.

Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala! Ang lupa sa puntod ng libingan ay tumaas hanggang sa ito’y maging bulkan. Napakaganda at perfect cone! Tinawag itong Bulkang Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.

Loading…