Mayor Isko sususpendihin ang 99 barangay captains na hindi lumahok sa clearing ops ng gobyerno

  • 99 na barangay captains sa Lungsod ng Maynila ang posibleng patawan ng suspensyon o tanggalin sa posisyon
  • Hindi nakilahok ang mga nasabing barangay captains sa road clearing operations na ipinag-utos ni Pangulong Duterte
  • Ipapataw ni Mayor Isko Moreno ang parusa sa oras na matanggap ang rekomendasyon ng DILG

Agad na sususpindehin ni Mayor Isko Moreno ang 99 barangay captain sa Lungsod ng Maynila na hindi tumalima sa road clearing operations na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na matanggap ang rekomendasyon mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Imahe mula sa Manila PIO

Sinabi ng alkalde na nabigyan ng sapat na panahon at impormasyon ang lahat ng barangay officials hinggil sa kautusan ng Pangulo.

“The moment we receive the recommendation of DILG, we will suspend before the city council. I told them that President Duterte is serious about the directives given to the DILG. I told them so many times because Sec. Ano is serious about it. They were given ample time. They were given enough information,” aniya.

Sa 896 na barangay ng lungsod, 99 sa mga ito ang hindi lumahok sa mga isinagawang road clearing operations.

“Out of 896 barangay in Manila, 99 did not even bother to participate. Then you have to face the repercussion of your action. We will see if there is government or not,”  babala ni Mayor Isko.

Nangako naman ang alkalde na bibigyan ng due process ang mga kapitan ng barangay.

Sa naunang pahayag ni DILG Undersecretary Martin Diño, sinabi niya na posibleng matanggal sa posisyon ang mga barangay chairman kung mapatutunayan na nagbigay sila ng basbas sa pagkakaroon ng illegal vendors at illegal parking sa kanilang mga nasasakupan.

Screenshot mula sa video ng News5

Pag mabigat, sila ang nagpapa-illegal parking, sila ang nagko-conduct ng illegal sidewalk vendor doon sa lugar nila, hindi lang suspension kundi pagkatanggal sa kanilang pwesto,” ani Diño.

Padadalhan ang mga nasabing barangay officials ng show cause order at bibigyan ng limang araw upang magsumite ng kanilang sagot. Kapag hindi kumbinsido ang DILG sa kanilang mga paliwanag ay irerekomenda nito sa city council na patawan sila ng suspensyon.

Loading…