Mekeni, inalis sa merkado ang pork-based products nila sa gitna ng ASF scare

  • Pork-based products ng Mekeni Food Corporation inalis na sa merkado
  • Ang recall ng mga produkto ay boluntaryong ginawa ng Mekeni
  • Nilinaw ng DA na hindi inutos ng ahensya ang recall ng Mekeni products

Boluntaryong ni-recall ng Mekeni Food Corporation sa merkado ang lahat ng produkto nila na may karneng baboy matapos kumalat ang balita na k0ntaminad0 ng African Swine Fever (ASF) ang ilan nilang processed meat products.

Imahe mula sa Mekeni

Matatandaang nasabat sa pantalan ng Mindoro ang mga processed meat products na hand-carried ng isang pasahero. Nagpositibo sa ASF ang mga nakumpiskang meat products na hotdog, tocino at longganisa.

Sinabi sa mga kumalat na balita na Mekeni ang brand ng mga nasabing produkto.

Sa official statement na inilabas ng kumpanya, sinabi nito na nagpadala sila ng sample ng kanilang pork-based products upang masuri ng Bureau of Animal Industry (BAI) at isa pang independent testing facility. Bagama’t wala pang lumalabas na resulta ay boluntaryong ni-recall na nila ang mga produktong may karneng baboy.

Iyon daw ay upang mabawasan ang posibilidad na maging carrier ng ASF ang mga produkto nila.

“We have submitted samples of our pork-based products to the BAI as well as an independent testing facility. Even as we wait for the results of these tests, we have decided to initiate a voluntary recall of all of our pork-based products effective 26 October 2019,” pahayag ng Mekeni Food Corporation.

Imahe mula sa Mekeni

Samantala, sa isang press conference ay nilinaw ni Department of Agriculture Secretary William Dar na hindi ipinag-utos ng ahensya ang recall ng mga produkto ng Mekeni.

“It’s their decision, kami ay nagpapatupad lang ng mga regulasyon. If this is part of solving the problem, then that’s a welcome development,” pahayag ni Sec. Dar.

Sa naturang press conference ay ibinulgar din ng kalihim na may kinumpiska sila sa Manila port na mga meat products mula sa China.

Imahe mula sa PNA

Loading…