Metro Manila, nakaambang manguna na naman sa listahan ng “worst place to drive in”

  • Metro Manila nakatakdang manguna na naman sa listahan ng “worst place to drive in”
  • Sa datos ng Waze ay dalawang sunod na taon nang nangunguna ang Metro Manila sa kanilang listahan ng may pinakagrabeng trapiko
  • Halos limang minuto ang haba ng biyahe kada kilometro sa Metro Manila

Posibleng manguna na naman sa listahan ng lugar na may pinakagrabeng trapiko ang Metro Manila para sa taong 2019.

Screenshot mula sa video ng GMA

Ayon sa datos ng Waze, ang Google-owned navigation app, sa dalawang magkasunod na taon ay nangunguna ang Metro Manila sa kanilang listahan ng “worst place to drive in.”

Sa isang panayam, isiniwalat ni Waze country lead Sarah Rodriguez na halos limang minuto o 4.88 minutes ang inaabot ng biyahe kada kilometro sa Metro Manila noong nakaraang buwan ng Setyembre. Mas matagal iyon kaysa sa 3.8 minutes per kilometer na naitala noong buwan ng Abril.

Sinabi ni Rodriguez na mas malala ang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila kumpara sa Bogota sa Colombia na nakapagtala ng apat na minuto kada kilometro at sa Jakarta sa Indonesia na nakapagtala naman ng 3.83 minutes sa kaparehong distansya.

Nabanggit din sa report ng Waze ang Sao Paulo sa Brazil na inaabot ng 3.38 minutes ang biyahe kada kilometro at ang Tel Aviv sa Israel na may talang 2.34 minutes per kilometer.

Imahe mula sa Waze

Inaasahan ng Waze na mas magiging malala pa ang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre dahil sa Undas at Pasko.

“S0ul-crushing traffic is a regular feature of life in a city whose infrastructure hasn’t kept pace with incomes. It’s now a constraint on the economy, fueling the take-up of private cars. It will only worsen in the remaining months of the year, especially over the All Souls’ Day long weekend when Filipinos typically go out of town, and before Christmas,” ani Rodriguez.

Imahe mula sa Waze

Sinabi naman ni Bong Nebrija ng Metropolitan Manila Development Authority na ang dahilan ng matinding trapiko sa metropolis ay ang dami ng mga sasakyan.

“The problem is volume. So we can only do so much to manage such number of cars on a limited road network,” aniya.

Kamakailan lang, isang report ang inilabas ng Asian Development Bank na nagsasabing ang Metro Manila ang “most congested city” sa Asya.

Screenshot mula sa video ng GMA

Loading…