Minsan ka na rin bang nalibang sa paghuli at pagpapalipad ng salagubang?

  • Kinaaliwan ng netizens ang larawan ng isang salagubang
  • Ang salagubang ay isang uri ng insekto na naninirahan sa puno ng mangga
  • Nilalaro ito ng mga bata noon sa pamamagitan ng paglalagay ng sinulid sa leeg nito; ang iba naman ay wrestling sa pamamagitan ng bubble gum

Isa sa mga hindi malilimutang gawain at laro ng kabataan noon ang panghuhuli at pagpapalipad ng isang uri ng insekto na tinatawag na “salagubang”.

Kaya naman, ikinatuwa ng netizens ang isang Facebook post na makikita sa Facebook page na “Memories of Old Manila” kung saan makikita ang larawan ng isang salagubang, na may iba’t ibang katawagan sa bawat lalawigan.

Isa pang nakaaaliw sa larawan ay ang caption nitong “Remember Me? Ako yung binigti mo ng sinulid noong bata ka pa.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagbigay naman ng reaksyon dito ang netizens. Ibinigay pa nila ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salagubang sa salaginto at uwang.

“Guilty ako diyan. Dami kong binigti na salagubang noong bata ako. Sorry naman. Dala lang ng kabataan. Pero ngayon, kinasasabikan ko nang makita kayo ulit tulad ng dati.”

“Tinatali ko iyan na may kasamang buto ng siniguwelas paglipad niya sabay ikot ng buto; walang tigil ng ikot parang may motor.”

“Wrestling ang ginagawa namin diyan. May bubblegum yung likod nila, tapos unahang maitumba ang kalaban. Those were the days…”

Public Domain Image

“Salagubang iyan. Hindi ko nagawang itali mga ‘yan. Pinapanood ko lang mga bata sa amin, sa bintana lang ako. Awang-awa ako kapag napuputol na mga paa nila. Siguro hindi na ngayon ginagawa ang pagtatali ng ganyan dahil mas gusto ng mga bata na hawak ang kanilang gadget at maglaro ng online games.”

Ang salagubang o June bugs ay isang uri ng insekto na karaniwang namamahay sa mga puno ng mangga. Makapit ang mga paa nito sa anumang bagay na madapuan nito. Kapag may kalakihan at kulay brown, salaginto ang tawag dito. Uwang naman ang tawag kapag may sungay o parang sipit sa ulo.

Sa ibang mga lalawigan, lalo na sa Nueva Ecija, isang exotic food ang salagubang. Maaari itong gawing adobo o kaya’y prito na talaga namang patok sa panlasa ng mga lokal at dayuhang turista. Tinatawag din itong “abal abal” ng mga Ilokano.

Public Domain Image

Loading…