NCRPO chief Brig. Gen. Sinas, ipinasisibak sa puwesto

  • NCRPO Chief Brig. Gen. Sinas ipinasisibak sa puwesto
  • Sinabi ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong na isang pagkakamali ang pagkakatalaga kay Sinas bilang hepe ng NCRPO
  • Kuwestyonable umano ang ilang ginawang hakbang ni Sinas

Isang malaking pagkakamali ang pagkakatalaga kay Brigadier General Debold Sinas bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO); ito ay ayon sa representative ng Ang Probinsyano Partylist.

Imahe mula sa PNP

Nanawagan si Representative Ronnie Ong kay Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Police Lieutenant General  Archie Gamboa na masibak sa puwesto si Brig. Gen. Sinas dahil sa diumano’y mga kwestyonable hakbang na ginawa nito.

Unang kinuwestyon ni Rep. Ong ang aniya ay anti-free press policy ni Sinas.

Matatandaang pinaalis ni Sinas ang mga miyembro ng NCRPO press corps sa isang silid sa Quezon City Police Station sa Kamuning, Quezon City na ginagamit nila bilang press room sa loob ng halos tatlong dekada.

Ipinagbawal din ng NCRPO chief ang ambush interview.

Bukod pa sa pagpapatanggal ng NCRPO media center, sinabi ni Rep. Ong na pinagbawalan din ang mga media practitioners na gumala at mangalap ng mga balita sa loob ng Camp Bagong Diwa, ang headquarters ng NCRPO.

Tinawag pa ni Rep. Ong na isang malaking kahihiyan sa liderato ng kapulisan at dapat na agad sibakin sa puwesto si Brig. Gen. Sinas matapos nitong ipagtanggol ang 16 na pulis na sangkot umano sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa loob ng New Bilibid Pris0n.

Imahe mula kay Rep. Ronnie Ong

“General Sinas is an embarassment to the police leadership and should be removed right away. Instead of immediately castigating the policemen involved in this caper, he is even trying to downplay their misdeeds,” sabi ni Rep. Ong.

Pinuna rin ng mambabatas ang pagiging overweight ng NCRPO chief. Ani Ong, hindi magandang ehemplo si Sinas sa ibang mga pulis dahil sa sobrang timbang nito.

Samantala, nilinaw ni Sinas na hindi siya anti-media.

Nanawagan naman si PNP OIC Archie Gamboa na bigyan ng pagkakaton si Sinas na mapatunayan ang kakayahan nito.

Screenshot mula sa video ng GMA

Loading…