Pang. Duterte inatasan lahat ng ahensya ng pamahalaan na magtulungan sa pagpigil ng pagkalat ng ASF

  • Pangulong Duterte inatasan ang lahat ng government agencies na pigilan ang pagkalat ng ASF
  • Nag-utos din ang Pangulo na bigyan ng ayuda ang lahat ng apektado ng ASF
  • Bilyong piso na ang nalulugi sa PAMPI dahil sa malawakang epekto ng ASF

Isang direktiba ang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aatas sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na magtulungan sa pagsasawata sa patuloy na pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Imahe mula sa PCOO

Isiniwalat ni Department of Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes ang sinasaad ng direktibang Pangulo.

“Ang order talaga ay for the other agencies to coordinate and to help support the efforts of Department of Agriculture kasi inter-agency na po ito, syempre may DILG yan, may DOH at lahat na para ma-contain, ma-manage, ma-control ang ASF dito para ‘wag ng kumalat. Again we appreciate the cooperation of other agencies,” aniya.

Kasama sa utos ng Pangulo ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektado ng ASF kagaya ng alternative livelihood at skills training.

Maging sa publiko ay may panawagang ginawa si Pangulong Duterte, ayon sa tagapagsalita niyang si Sec. Salvador Panelo.

“Finally, the Office of the President implores the public to extend their utmost cooperation to government authorities in order to prevent the spread of ASF,” ani Panelo.

Imahe mula sa DA

Ang panawagan ng Pangulo ay kasunod ng kumalat na balita na ilang branded na processed meat products na longganisa, hotdog at tocino na nasabat sa pantalan ng Mindoro mula sa isang pasahero ay k0ntaminado ng ASF.

Dahil sa kumalat na balita ay lubhang naapektuhan ang benta ng mga nagtitinda ng processed meat products. Ayon sa isang tindero nito, bumaba ng 30 porsyento ang kanyang benta dahil sa kumalat na balita.

Maging ang Philippine Association of Meat Processors, Incorporated (PAMPI) ay nagsabing bilyong piso na ang nalulugi sa kanila bunsod ng malawakang epekto ng ASF.

Imahe mula sa PLN

Loading…