Parody ng hindi sabay-sabay na sayaw ng GirlTrends, pinalakpakan ng audience

  • Trending sa social media ang parody ng hindi sabay-sabay na sayaw ng GirlTrends
  • Pinalakpakan ng audience ang dancers nang magsimula na silang sumayaw nang hindi sabay-sabay
  • Marami na rin ang kumasa sa GirlTrends dance challenge lalo na sa YouTube

Karaniwang gumugugol ng oras ang mga dance groups, professional man o hindi, para masanay ang kanilang pagkakasabay-sabay. Maliban kasi sa malambot na katawan at hataw na performance, isa rin sa tinitignan ng mga manonood ay ang sabay na pagsayaw.

Ngunit sinong mag-aakala na sa taong ito ay mauuso ang hindi sabay-sabay na dance steps?

Simula nang mag-trending sa social media ang performance ng girl group na GirlTrends sa It’s Showtime kung saan hindi sila nagsabay-sabay sa ilang steps, marami na ang gumaya sa kanilang viral dance moves.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Cris Gel Arcadio

Patunay nito ay ang parody ng GirlTrends dance step na sinayaw ng mga kababaihan sa isang event. Makikita sa maikling video na inupload ng netizen na si Cris Gel Arcadio ang pagkaaliw ng mga manonood sa hindi sabay-sabay na pag-indak ng mga nagtanghal.

Sa saliw ng ‘How Do You Sleep’ ni Sam Smith, na siyang sinayaw din ng GirlTrends sa kanilang viral video, ay umindak ang anim na kababaihan. Masaya ang audience sa kanilang performance noong umpisa, ngunit nag-umpisa ang mga palakpakan at mga hiyawan nang umindak na sila nang hindi sabay-sabay ala GirlTrends.

Katulad ng performance ng GirlTrends, trending na rin sa social media ang parody nila sa hindi sabay-sabay na dance step. Umani na ito ng mahigit 7,200 reactions at 6,000 shares. May mga netizens naman na hinahanap ang full performance ng grupo.

Maliban sa upload ni Arcadio, marami na ring mga netizens ang kumasa sa GirlTrends challenge at gumawa ng kani-kanilang version ng ‘How Do You Sleep’ dance cover. Maraming mapapanood na dance parody sa YouTube.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Jeecil Tagalog

Karamihan sa mga ito ay mga estudyante na pinipiling gumawa ng cover sa kanilang vacant time sa school. Ang isang dance cover nga ay mayroon nang mahigit 13,000 views sa YouTube. Sabi ng isang netizen, parang mas mahirap daw mag-rehearse nang ‘di sabay-sabay.

“In fairness, kuha ninyo ang hindi pagkakasabay-sabay. Gaano n’yo to katagal ni-rehearse? Parang mas mahirap to kaysa sa magpraktis ng pagkakasabay-sabay? Hahahaha,” pahayag ng isang netizen.

Loading…