Philippine Red Cross magpapakalat ng 159 ambulansya at 1,700 volunteers sa Undas

  • Philippine Red Cross handang magbigay ng ayuda sa mga taong magsisitungo sa mga sementeryo sa Undas
  • Magpapakalat ang PRC ng 156 ambulansya at 1,700 volunteers
  • Magtatayo rin ito ng mga first aid stations at welfare desks sa iba’t ibang lugar

Magpapakalat ng hindi bababa sa 1,700 staff at volunteers ang Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko na magtutungo sa mga sementeryo sa Undas.

Imahe mula sa PRC

Sinabi ng PRC na magtatayo ito ng 168 first aid stations at 120 welfare desks sa mga memorial parks at maging sa mga pangunahing expressways kabilang ang North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway at Subic Clark Tarlac Expressway.

Maging ang mga daungan, paliparan, bus terminals at ilang beach resorts ay lalagyan din ng mga first aid stations at welfare desks.

Magde-deploy din ang PRC ng 156 na mga ambulansya. Ang 39 dito ay maglilibot sa iba’t ibang lugar samantalang ang 117 ay stationary lang sa  mga istratehikong lugar, samantalang ang mga foot patrollers ay ipoposisyon sa mga cemetery alleys na mahirap mapuntahan ng mga ambulansya.

“As always, PRC is in full operation to accommodate everyone, especially our kababayans who will be going home to their respective provinces to visit their departed loved ones. We want to ensure their safety,” ayon kay Senator Richard Gordon na siya ring PRC Chairman at Chief Executive Officer.

Imahe mula sa PRC

Nagbigay rin ng ilang safety tips ang PRC sa publiko na iiwan ang mga kani-kanilang bahay sa pagbisita sa mga sementeryo.

Para sa emergency o anumang hindi inaasahang mga insidente, maaaring tumawag sa 24/7 operations center ng PRC sa numerong 143 o 8790-23-00.

Imahe mula sa PRC

 

 

Loading…