Pinakamalaking free dialysis center sa bansa binuksan ni Mayor Isko Moreno

  • Bago at pinakamalaking free dialysis center sa Maynila pinasinayaan sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno
  • Ang pasilidad ay ipinangalan sa dating lola ni former Manila mayor Alfredo Lim
  • Ang Siojo Dialysis Center ay mas malaki pa sa National Kidney Institute

Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagpapasinaya sa pinakamalaking free dialysis center sa buong bansa kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-45 na kaarawan.

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno

Pinangalanan ang bagong pasilidad na “Flora V. Valisno de Siojo Dialysis Center” na isinunod sa pangalan ng late grandmother ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim. Ang lola ng dating alkalde ang founder ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

“Isa itong maliit na pagkilala sa 12 taong serbisyo ni Mayor Lim sa Maynila. Makikilala ngayon itong ‘Siojo Dialysis Center’ bilang pinakamalaki sa Pilipinas,” anang alkalde.

Ginawa ang pagpapalit ng pangalan ng ospital sa pamamagitan ng isang ordinansa na ipinasa ng city council sa pangunguna ni Vice Mayor  Honey Lacuna.

“Isinabatas namin ito dahil ang gusto ko, habambuhay na ito. If we want to heal the city, we have to give credit where it is due,” anang alkalde.

Ani Mayor Isko, ang Siojo Dialysis Center ay mas malaki kaysa sa National Kidney Institute. Ang bagong pasilidad ay mayroong 91 dialysis machines at plano ng city government na gawing 100 ang mga makina upang mas maraming mahihirap na pasyente ang mapagsilbihan.

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno

Pinasalamatan naman ni Lim si Mayor Isko sa parangal na ginawa nito sa kanyang lola na aniya ay isa sa mga taong pinakamalapit sa kanyang pus0 at siyang halos nagpalaki sa kanya.

Sinabi pa ni Lim na dahil sa mahusay na pamamamahala ni Mayor Isko ay kwalipikado ito na maging pangulo ng bansa.

Bagaman nasiyahan si Mayor Isko sa tiwalang ibinigay ng dating Manila City mayor sa uri ng kanyang pamamahala, sinabi niya na nais niyang tapusin ang tatlong termino bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno

Loading…