Prequel ng ‘Game of Thrones’ na pinamagatang ‘House of the Dragon,’ inanunsyo

  • Dahil nabitin ang fans sa series na Game of Thrones, magkakaroon na ito ng prequel
  • Pamamagatan daw na House of the Dragon ang bagong installment ng series
  • Wala pang tiyak na detalye ang prequel ngunit maglalabas daw ng bagong update ang HBO sa mga susunod na buwan

Matapos ang kontrobersyal na huling season ng top-rating and award winning series ng HBO na ‘Game of Thrones’ (GOT), isang malaking anunsiyo ang ginawa ng WarnerMedia dahil magkakaroon ng prequel ang nasabing serye.

Nakumpirma sa post ng official Facebook page ng Game of Thrones ang paglalabas ng prequel na pinamagatang ‘House of the Dragon’ na mapapanood pa rin sa HBO. Ayon sa manunulat nitong si George RR Martin, ang kuwento ng prequel ay tatakbo 300 taon bago ang mga kaganapan sa GOT.

Larawan mula sa Facebook page ng Game of Thrones

“It’s my pleasure to announce today that we are ordering ‘House of the Dragon’ straight to series for HBO,” sabi ng president of programming ng HBO na si Casey Bloys.

Maraming fans ng GOT ang natuwa sa anunsiyo sa Facebook at sa kasalukuyan nga ay mayroon nang 493,000 reactions, 182,000 comments, at 166,000 shares.

”The series is co-created by George RR Martin and Ryan Condal. Miguel Sapochnik will partner with Condal as showrunner and will direct the pilot and additional episodes. Condal will be writing the series,” ayon sa viral Facebook post.

Iikot daw ang kuwento ng House of the Dragon sa House of Targaryen at sa mga sinaunang Wasteros, ayon sa mga producer ng show. Hango din umano ito sa 2019 novel ni Martin na ‘Fire and Blo0d.’

Larawan mula sa Facebook page ng Game of Thrones

Kasabay ng anunsiyo ng bagong GOT prequel ay ang paglulunsad ng bagong streaming service ng HBO at AT&T na HBO Max. Magsisimula ang streaming service nito sa darating na May 2020 at sinasabing kakalabanin ang largest streaming service na Netflix.

Sa HBO Max din mapapanood ang ‘House of the Dragon’ sa oras na matapos na ang unang season ng bagong series. Gayunman, wala pang tiyak na petsa sa pagpapalabas ng GOT prequel. Ngunit ayon sa mga producers ng show, maglalabas sila ng mga anunsiyo sa HBO Max.

Loading…