Sanggol na isinilang bago ang pagyanig, pinangalanang ‘Magni boy’

  • Pinangalanang ‘Magni Boy’ ang isang lalaking sanggol na isinilang ilang sandali bago maranasan ang malakas na lind0l sa Kidapawan City
  • Dumaan sa Caesarian section ang ina ng bata na napilitang agad na lumikas ng ospital dahil sa insidente
  • Dahil nataon ang araw ng kapanganakan ng sanggol sa lind0l, pinili ng mga magulang na pangalanganan itong ‘Magni Boy’
Imahe kuha mula sa Youtube video ng GMA News

Patuloy na pinag-iingat ang mga residente sa Mindanao dahil sa sunod-sunod na pagyanig sa iba’t ibang probinsiya at bayan.

Sa Kidapawan City sa probinsiya ng Cotabato, isang lalaking sanggol ang pinangalanang ‘Magni Boy’ ng kaniyang mga magulang. Nataon kasi ang ng kapanganakan ng bata sa mismong petsa kung kailan tumama ang Magnitude 6 na lindol sa lugar.

Ayon sa ulat ni Susan Enriquez ng GMA News QRT, isinilang si Magni Boy ilang sandali bago maranasan ang pagyanig sa Kidapawan Medical Specialist Center.

Dumaan sa Caesarian section ang ina ng bata. Napilitan itong lumikas ng gusali kasama ang panganay na anak kahit may nararamdaman pang pagkirot mula sa nagdaang operasyon.

Pinangalanan naman nitong ‘Magni Boy’ ang anak dahil na rin sa naranasan nilang pagyanig sa mismong araw ng kaniyang kapanganakan.

Ayon pa sa ulat, nananatili ang mag-ina kasama ang iba pang pasyente sa Kidapawan Medical Specialist Center sa labas ng ospital dahil sa pangamba nila sa aftersh0cks.

Imahe kuha mula sa Youtube video ng GMA News

Mas pinipili rin umano ng ilan na mamalagi sa labas ng gusali dahil tingin nila ay mas ligtas doon.

Mapapanood ang ulat ni Susan Enriquez sa ibaba:

Source :

Youtube, GMA News

Loading…