Senior citizen na crew sa isang fast food resto, ibinida ng netizen

  • Ibinida ng isang netizen ang 75-anyos na lolo na nagtatrabaho bilang crew ng Jollibee sa kanilang branch sa Legarda
  • Masaya si Arlene Escalona na makitang mas dumarami ang pagkakataong naibibigay sa mga matatanda
  • Nagpasalamat din ito sa inisyatibo ni Yorme Isko at sa mga kompanyang patuloy na tumatanggap sa mga senior citizens bilang manggagawa
Imahe mula kay Arlene Escalona | Facebook

Patuloy ang pagtupad ng Jollibee sa kanilang kasunduan kasama ang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno tungkol sa pagbibigay ng oportunidad sa mga matatandang residente ng Maynila na nagnanais makapaghanapbuhay.

Sa Facebook, ibinida ng netizen na si Arlene Escalona ang isang 75-anyos na lolo na nagtatrabaho bilang Jollibee crew sa Legarda Bustillos branch. Aniya: “While eating my lunch, I saw him,” kuwento ng netizen sa post kasabay ng pagbabahagi ng larawan ng matanda sa social media.

Proud nitong kinilala ang lolo na nakangiti sa litrato bilang si Danny Marcos na nasa edad 75-taong gulang at siyang nagtatrabaho sa nasabing branch ng Jollibee.

Mababatid rin sa post ng netizen na masaya siyang makita na gusto ni lolo Danny ang kaniyang ginagawa. Ipinahayag nito sa kaniyang post ang kaniyang pagpapasalamat para maisakatuparan ang senior citizen employment.

“Senior citizen employment was all made possible because of the initiative of Yorme Isko Moreno. Galing mo, sir!” pahayag ng netizen.

Imahe mula kay Arlene Escalona | Facebook

Nagpasalamat din ito sa mas dumaraming kompanya na nagbibigay ng pagkakataon sa mga matatanda na makapagtrabaho hangga’t gusto at kaya nila.

Marami rin sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa mga lolo at lola na patuloy na nagkakaroon ng trabaho.

‘God bless you, tatay,” ani DL sa comment section.

“As long as kaya pa mag work, why not, ‘di ba? No age discrimination dapat! Minsan nga, mas marami pang kayang gawin ang mga may edad kaysa sa mga bata,” sabi ni JO.

“Yes, also here at SM Calamba may mga senior sa mga fast food. Dapat lang naman bigyan pa sila ng opportunity kung kaya pa naman magwork. At saka they give smile to customers. Minsan pa nga kumakanta pa eh. Nakakatuwa lang,” ayon naman kay LLAM.

Source :

Facebook

Loading…