“Unforgettable” ni Sarag G, humakot ng papuri, great reviews at P5.1M sa unang araw

  • Pelikulang “Unforgettable” Ni Sarah Geronimo, humakot ng great reviews at P5.1 M sa unang araw
  • Bumida bilang isang babaeng may Autism Spectrum Disorder (ASD) ang karakter dito ni Sarah na si Jasmine
  • Kasama niya bilang lead talent ang asong si Milo na gumanap na si Happy

Umaapaw sa saya ang buong production team ng pelikula ni Sarah Geronimo na Unforgettable matapos ang unang araw nito sa mga sinehan, Oktubre 23.

Ibinahagi ng Viva Films na umabot sa Php5.1M ang kinita nito sa unang araw pa lamang. Ito ay binigyan ng Rated G ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaya’t masasabing ito’y pang-buong pamilya.

Imahe mula sa Instagram | Viva Films

Mahihinuha na labis ding nagpasaya sa mga manonood ang asong si Happy na siyang kasama ni Sarah na bumida sa Unforgettable.

Ang papel ni Sarah G sa pelikula ay tinawag niyang “dream come true” dahil sa likas na pagmamahal niya sa mga aso. Bukod dito, masayang-masaya rin daw siya na gampanan ang role ng bidang si Jasmine pagkat siya mismo ay mayroong mga natutunan sa karakter na ito.

“She will do anything and everything for the people she loves. Regardless kung kaya niya ba o hindi, talagang wala nang pag-iisip pa, gagawin lang niya. Ang galing ‘no?” wika ng aktres-singer na labis ang tuwa.

Halos ganoon rin ang kasiyahan ng mga naunang nagbigay ng reaksyon matapos mapanood ang kanilang pelikula ni Happy.

“Grabe, ito yung movie na hindi ka lang isang beses paiiyakin. Sobrang tagos sa pus0 ng kuwento at halo halong emotions ang iyong mararamdaman habang pinapanood mo. Tatawa ka tapos iiyak tapos tatawa ulit, yung tipong para ka ng baliw dahil sa iyak tawa mo.”

Imahe mula sa Instagram | Viva Films

“Sobrang husay talaga ni Ms. Sarah Geronimo, wala kongmasabi. Impressive at pang Best Actress talaga yung galawan niya ngayon. Hindi mo alam kung saan siya humuhugot ng kakaibang energy when it comes to acting. Madadala ka talaga sa acting niya at walang kupas pa din kapag nasa harap na siya ng camera.”

Sa pelikula, maglalakbay si Jasmine patungo sa Baguio para dalhin si Happy sa kanyang may sakit na lola. Isang malaking biyaya raw ang pagdating ng aso sa kanyang lola kaya naniniwala siya na mapapagaling nito ang matanda. Habang papunta, may makikilala silang mga tao at mayroong mga buhay na magbabago.

Ang Unforgettable ay nabuo sa ilalim ng direksyon nina Perci Intalan at Jun Robles Lana at kasama rin dito ang celebrity dog na si Milo, ang beteranang aktres na si Gina Pareño, Ara Mina, Yayo Aguila, Meg Imperial at Kim Molina. May special participation din ang ilang sikat na artista dito.

Kung hindi mo pa napapanood, narito ang nakaaantig na trailer ng pelikulang “Unforgettable”:

Sources: Facebook   Facebook   YouTube   Twitter

Loading…