Video: Babaeng gumamit ng credit card ni Angelica Panganiban nahuli na

  • Babaeng ilegal na gumamit ng credit card ni Angelica Panganiban nahuli ng NBI
  • Agad na inamin ng suspek ang ginawa
  • Mahigit P500k ang nagamit ng suspek sa credit card ng aktres

Nahuli na ng mga awtoridad ang babaeng ilegal na gumamit ng credit card ng aktres na si Angelica Panganiban. Noong buwan ng Agosto ay matatandaang masama ang loob na nagsiwalat ng kanyang saloobin sa Twitter ang aktres.

Imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Aniya, may gumagamit daw ng credit card niya sa Pampanga at malapit nang umabot sa kalahating milyong piso ang nagagamit ng suspek.

“May gumagamit ng credit card ko sa Pampanga. Malapit na siya umabot sa 500k. Walang magawa mga tao. Bakit ‘di kayo mag-ipon para sa sarili n’yo? Ba’t kayo magnanakaw?” tweet ni Angelica noong August 28, 2019.

Noong nakaraang linggo ay nahuli ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa tahanan nito sa Pampanga. Kinilala ang babaeng suspek na si Agatha Reyes.

Ayon sa NBI, inamin ni Reyes ang nagawang kasalanan.

Umabot sa limang libong piso ang mga unang transakyon na ginawa ng suspek gamit ang credit card ni Angelica at ginamit pa ulit ni Reyes sa casino ang credit card sa halagang 500 thousand pesos.

Bagama’t tumangging makapanayam ng media, sinabi ni Reyes na marami ang gumagawa ng ganitong modus.

Screenshot ng tweet ni Angelica Panganiban

Base sa imbestigasyon ng NBI, original na credit card ang ginamit ng suspek.

Ayon kay Ronald Guto, hepe ng NBI-International Operations Division, ang mga credit cards na ginagamit ng mga taong mapagsamantala ay galing umano sa mga couriers  na nagde-deliver ng mga credit cards for renewal.

Hinala ni Guto, may sabwatan sa pagitan ng mga couriers at suspek. Nagagawan umano nila ng paraan na mapa-activate ang credit cards at gamitin iyon sa pansariling interes.

“Once makuha nila ang possession ng credit card, sinusubukan nila ito sa mga maliliit na expenses before they go for the bigger transactions,” ani Guto.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Payo niya, dapat ay agad na makipag-ugnayan sa bangko kapag malapit nang ma-expire ang credit card at papalitan na ito.

Nagpasalamat naman sa NBI si Angelica sa pagkakahuli sa suspek.

“Maraming salamat NBI! Kapag akala mong, sadlak na sadlak na ang sistema… May mga tao pa din na tapat ang serbisyo. Salamat po,” anang aktres.

I-click ang imahe para mapanood ang video:

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Loading…