Wala raw peace of mind: Ai-Ai delas Alas, umaming minsan na rin siyang naging ‘other woman’

  • Isang bukas na libro ang kuwento ng buhay pag-ibig ng comedy queen na si Ai-Ai delas Alas
  • Happily married na siya kay Gerald Sibayan kung saan ikinasal sila noong 2017
  • Gayunman, umamin din ang komedyante na minsan na rin siyang naging kabit

Minsan na ring naging “the other woman” ang komedyanteng si Ai-Ai delas Alas ngunit hindi talaga niya alam noong una na may asawa na pala ang kaniyang kinasama noon na  si Miguel Vera.

Ito ang inamin ng mahusay na aktres at mang-aawit sa isang entertainment press matapos ng kaniyang contract signing sa GMA noong Martes, Oktubre 29.

Imahe mula sa Facebook page ni Ai-Ai delas Alas

Ayon sa report ng Pep, sinabi ni Ai-Ai na minsan na rin siyang naging “escabache” na isang gay lingo para sa “mistress.”

“Naranasan ko rin na maging escabeche, mahirap. Crayola ka nang Crayola,” pag-amin nito.

Binigyang-diin din niya na hindi talaga niya alam noong una na may asawa na ang lalaki. Pero kahit nang malaman na niya ito ay wala na siyang nagawa kundi ipagpatuloy kung ano ang kanilang naumpisahan ni Miguel.

“Alam ko na nung huli, pero go pa rin ako, so mali pa rin ako,” pahayag nito.

Inamin din ni Ai-Ai na hindi madali ang kaniyang mga naranasan sa relasyong iyon. At dahil dumaan siya sa ganoong sitwasyon, hindi niya hinihikayat ang mga kapuwa niya babae na maging ganoon.

“Try ninyo na lang na huwag maging ganoon. Hangga’t maaari, kung puwedeng iwasan, iwasan na lang. Kasi sabi nga nila, sa bawat pagpatak ng luha ng legal na asawa, ‘yun ang pagbabayaran mo. So ako, ang tingin ko, marami akong pinagbayaran,” paliwanag pa ni Ai-Ai.

Imahe mula sa Facebook page ni Ai-Ai delas Alas

Nakipaghiwalay naman si Ai-Ai sa dating kinasama dahil wala na siyang peace of mind. Umabot sa pitong taon ang kanilang relasyon dahil mahirap umanong kumawala sa taong tunay mong minamahal.

“Mahirap kumawala sa tao na mahal mo kahit gusto mo, ang hirap-hirap,” ayon pa kay Ai-Ai.

Sabi nga, puwede namang matuto sa pagkakamali ng iba kaya’t iwasan hangga’t maiiwasan.

Loading…