Walang opisyal na kumpirmasyon na kontaminado ng ASF ang produkto nila – Mekeni CEO

  • Mekeni Food Corporation president nagbigay ng pahayag tungkol sa napabalitang apektado ng ASF ang produkto nila
  • Sa pahayag ng Mekeni, sinabi nito na walang ibinigay na kumpirmasyon ang DA na apektado ang produkto nila
  • Humingi ng paumanhin ang Mekeni sa pangamba na naidulot ng mga ulat

Matapos  mabanggit sa ilang ulat ang brand ng kanilang produkto na isa umano sa mga processed meat products na k0ntaminado ng African Swine Fever ay naglabas ng pahayag ang president at chief executive officer (CEO) ng Mekeni Foods Corporation.

Imahe mula sa Mekeni Food Corporation

Batay sa mga naunang ulat, kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nagpositibo sa ASF ang tatlong sample ng branded meat products na hotdog, longganisa at tocino. Hindi naman pinangalanan ng BAI ang manufacturer ng apektadong processed meat.

Ang mga nasabing produkto na mula umano sa Central Luzon ay dala ng isang pasahero na naharang sa pantalan ng Mindoro.

Ayon kay Mekeni Foods Corporation CEO Prudencio Garcia, wala silang natatanggap na formal report mula sa Department of Agriculture (DA) na Mekeni ang mga k0ntaminadong processed meat products.

“As far as Mekeni is concerned, ‘yung alleged report wala naman pong binabanggit doon na ang Mekeni po ang contaminated na mga produkto. Even from our DA, we didn’t receive any formal report that the contamination came from our factory,” ani Garcia.

Siniguro ni Garcia na mataas ang kalidad ng mga Mekeni products at ang mga karneng ginagamit nila ay dumaan sa mahigpit na pag-iinspeksyon ng National Meat Inspection Service.

Screenshot mua sa video ng News5

“As an ISO-certified company, we strictly adhere to the highest food safety standards for many years,” aniya.

Humingi si Garcia ng paumanhin sa publiko dahil sa pangambang naidulot ng mga ulat tungkol sa kanilang produkto. Aniya, ginagawa nila ang lahat upang alamin ang katotohanan sa isyu.

“For everyone’s peace of mind, we are doing everything that we can to validate this issue and have full transparency on the testing procedure conducted by the Bureau of Animal Industry,” ani Garcia na nagsabing bukas ang kanilang kumpanya sa anumang pagsusuring isasagawa sa kanilang mga produkto.

Imahe mula sa GMA

Loading…