2 SHS students, nagsilbing mga bayani sa matandang lalaki na nahulog sa ilog

  • Nailigtas ng dalawang senior high school students ang isang matandang lalaki mula sa pagkakahulog sa ilog
  • Napag-alamang tumawid ang matanda sa ilog upang lisanin ang kaniyang bukid dahil sa sunod-sunod na pag-ulan
  • Hindi nito namalayan na nasa malalim na parte na pala siya ng tubig kung saan agad naman siyang tinulungan ng dalawang mag-aaral

Marami ang humanga sa kabayanihan ng dalawang mag-aaral sa senior high school matapos nilang sagipin ang isang matanda sa ilog malapit sa kanilang paaralan.

Imahe mula kay Jessa Virtus Cepeda | Facebook

Ayon sa post ng principal na si Justino Cabarles noong November 21, hindi nagdalawang-isip sina Edward Laurenciano Ortil at Joshua Amaro na sumaklolo matapos nilang malaman na nangangailan ng tulong ang matanda.

Agad na tinalon ng dalawa ang ilog na may halos 10 pulgada na lalim habang suot ang kanilang school uniform upang mailigtas ang matanda.

“God always sends His angels to save every precious life,” ani Justino sa post.

“Edward Laurenciano Ortil and Joshua Amaro both of G11-EIM jumped into the river after learning from the school guard that an old man needs help,” dagdag nito. “Not minding that they were in school attire, and the flooded river was about 10feet deep, Edward and Joshua moved as one to save Pay Erong.”

Nakilala ang matanda bilang si Prospero ‘Pay Erong’ Sueno nasa 74 taong gulang at isang retiradong barbero mula sa Caramoan, Camarines Sur.

Kuwento nito, tinangka niyang pansamantalang lisanin ang kaniyang bukid sa pangamba na baka bumaha dahil sa sunod-sunod na pag-ulan sa kanilang lugar. Habang tinatawid umano niya ang ilog ay hindi niya namalayan na nasa malalim na parte na pala siya nito.

Imahe mula kay Justino Cabarles | Facebook

Labis naman ang pasasalamat ng matanda sa mga mag-aaral na tumulong sa kaniya.

“Salamat na lang po at naisalba ako ng dalawang batang ito,” saad ng matanda.

Sa ngayon ay may higit 7,7000 reactions at higit 3,200 shares na ang post ni Justino sa Facebook.

Loading…