26 environmental samples mula sa NCR, Davao positibo sa poliovirus

Imahe mula sa PIA
  • Nagpositibo sa poli0 virus ang 26 na environmental samples na nakuha mula sa National Capital Region at Davao City
  • Ibig sabihin daw nito, namumuhay ang carrier ng poli0 sa mga nagpositibong lugar kaya panawagan ng Department of Health (DOH) ay pabakunahan ang mga bata
  • Nitong Setyembre ay inanunsyo ng DOH ang muling pagkakaroon ng kaso ng poli0 sa bansa

Muling nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na pabakunahan ang mga bata kontra poli0. Ito ay matapos na magpositibo sa poli0 virus ang 26 na environmental samples mula sa National Capital Region (NCR) at Davao City.

Sa pagsusuri na ginawa ng National Poli0 Laboratory ng Research Institute for Tropical Medicine at ng Japan National Institute of Infectious Diseases, kumpirmadong 26 sa 142 environmental samples ang positibo sa poli0 virus types 1 o 2. Ang 25 sa mga ito ay galing sa NCR habang ang isa naman ay sa Davao City.

Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque, nangangahulugan ito na namumuhay ang carrier ng poli0 sa mga nasabing lugar kaya mahalaga na magpabakuna ang mga batang edad lima pababa.

“The presence of the poli0 virus in environmental samples implies that carriers of the virus are continuously shedding in the communities. If viruses continue to spread from person-to-person in areas with low immunization coverage, the poli0 virus evolves and regains the ability to cause paralysis,” paliwanag ni Duque.

Imahe mula sa PNA

“This is why it is of utmost importance that we vaccinate all children below 5 years old (0-59 months), regardless of their vaccination status,” dagdag pa niya.

Bukod sa NCR at Davao City, kumuha rin sila ng sample mula sa sewage treatment plants at mga katubigan mula sa mga lugar na walang treatment plants sa Cordillera Administrative Region, Region III, Region IV-A, Region XII, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Region VII.

Matatandaang Setyembre nitong taon nang ianunsyo ng DOH ang pagbabalik ng poli0 virus sa bansa, kaya naman nagtulungan ang iba’t ibang mga organisasyon para pigilan ang poli0 outbreak sa pamamagitan ng paglulunsad ng mass vaccination.

Kasalukuyang ginaganap ng DOH ang ikatlong round ng Sabayang Patak Kontra Poli0 kung saan nagsasagawa sila ng house-to-house na pagbibigay ng Oral Poli0 Vaccine (OPV).

Imahe mula sa UNICEF Philippines

Loading…