30 days sick leave para sa mga public school teachers, isinusulong

  • Mungkahing bigyan ng 30 days sick leave ang mga public school teachers isinusulong sa kamara
  • Sa kasalukuyan ay walang sick leaves na ibinibigay sa mga guro
  • Sabi ni Rep. France Castro ay napapanahon na upang bigyan ng ganito ang mga guro sa pampublikong paaralaan

Isinusulong ngayon sa mababang kapulungan ng kongreso na magkaroon ng sick leaves ang mga public school teachers.

Imahe mula sa Teachers for the Philippines

Sa kasalukuyang umiiral na regulasyon ay walang sick leaves na ibinibigay sa mga guro sa pampublikong paaralan dahil mayrooon na raw ang mga ito ng “teachers leave basis” kagaya ng service credits at proportional vacation pay.

Ang isinusulong ni ACT Partylist Representative France Castro ay magkaroon ng 30 days sick leave ang mga public school teachers at hindi lang 15 days sick leave katulad sa mga ibinibigay sa mga workers sa private sector.

“Public school teachers have long been complaining of not being afforded sick leave benefits within the school year because they are allegedly already covered by the leave benefits granted to those on ‘teachers leave basis,’ namely, service credits and the Proportional Vacation Pay,” paliwanag ni Rep. Castro tungkol sa inihaing House Bill No. 5349 o “An Act Providing Sick Leave Benefits of Thirty Days per year for Public School Teachers”.

Paliwanag pa ng mambabatas, ang service credits na ibinibigay sa mga guro sa pampublikong paaralan ay kabayaran sa mga serbisyong ginawa ng guro na lampas na sa “regular functions” o “regular work or days” kagaya ng Brigada Eskwela, serbisyo sa eleksyon at sa mga census.

Imahe mula sa USAID

Aniya, napapanahon na upang mabigyan ng proteksyon ang mga guro laban sa mga komplikasyon sa kalusugan.

“It’s about time that our laws be amended to provide our public school teachers protection against health complications, especially considering that most of such conditions are the effects of the daily strain of teachers’ tasks in schools and overwork,” ani Rep. Castro.

“Service credits and the Proportional Vacation Pay have different nature and purpose compared to sick leave. House Bill 5349 provides public school teachers sick leave benefits of thirty days per year,” dagdag pa niya.

Loading…