4 na NCRPO cops na nagpasok ng kontrabando sa Bilibid kakasuhan na, posibleng masibak sa puwesto

  • Apat na pulis na sangkot sa pagpasok ng kontrabando sa Bilibid posibleng masibak
  • Kumpirmadong alak ang laman ng botelyang ipinasok ng mga pulis sa loob ng Bilibid
  • Nadis-armahan na ang mga pulis na sangkot sa pagpasok ng mga kontrabando sa national penitentiary

Ipinahayag ni NCRPO Chief Police Brigadier General Debold Sinas na sasampahan ng kasong grave misconduct ang apat sa mga NCRPO c0ps na nahuling nagpasok ng mga kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison.

Screenshot mula sa GMA video

Sinabi ni Sinas na dismissal from service ang maximum penalty para sa kasong grave misconduct at mula dalawa hanggang anim na buwang suspensyon naman ang minimum na parusa.

“Grave misconduct. Ang kuwan niyan… maximum penalty niyan is dismissal, ang medium penalty niyan is one rank demotion, ang minimum penalty is two to six months suspension,” ani Sinas sa isang press conference na ginanap sa Quezon City noong Biyernes, ika-1 ng Nobyembre.

Batay sa mga naunang pagsisiyasat, labing-anim na NCRPO c0ps ang sangkot sa pagpasok ng mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng national penitentiary. Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga pulis na nasangkot sa isyu.

Ayon kay Sinas, dalawang pulis ang nag-utos sa dalawa sa labing-anim na pulis na magpasok ng alak at sigarilyo sa loob ng Bilibid.

Itinago sa loob ng tea bottle ang mga nasabing kontrabando. Kinumpirma ng Philippine National P0lice Crime laboratory na alak ang laman ng botelya ng inumin.

Screenshot mula sa Eagle News video

Ang dawalang pulis na nag-utos at ang dalawang inutusan na hindi pinangalanan ang sasampahan ng kasong administratibo at posibleng matanggal sa serbisyo kapag napatunayan ang akusasyon laban sa kanila.

Samantala, ang labing-apat na NCRPO c0ps ay nahulihan na may dalang cellphones; bagay na mahigpit na ipinagbawal ni Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.

Hindi pa inilalabas ng PNP Anti-Cybercrime unit ang resulta ng forensic examination na ginawa sa mga nakumpiskang cellphones. Ang labingwalong pulis ay nadis-armahan na at kasalukuyang nasa holding camp ng NCRPO.

Loading…