Aktres Alice Dixson, aminadong “unprofessional” at “primadonna” siya noon

  • Inamin ni Alice Dixson na unprofessional at primadonna siya noon
  • Marami siyang nakasamaan ng loob noon dahil lumaki raw ang kaniyang ulo dulot ng kasikatan
  • Nagbago na raw ang pananaw niya sa tulong ng kaniyang dating asawa

Diretsahang inamin ng aktres na si Alice Dixson na marami ang galit at may ayaw sa kaniya noon dahil sa pagiging “unprofessional” at “primadonna” niya noong kasagsagan ng kaniyang kasikatan at kabataan; sa panayam ni King of Talk Boy Abunda sa late–night talk show nitong “Tonight with Boy Abunda” o TWBA nitong Lunes, Nobyembre 4, 2019.

Image capture mula sa YouTube channel

Sinabi ni Alice Dixson na dahil sa kaniyang mga hindi magandang ugali at gawi tulad ng pagiging late lagi sa mga tapings at showbiz commitments at astang primadonna, ay nakaapekto ito sa kaniyang mga trabaho at proyekto bilang artista.

“A lot of people got very upset with me. Because of my unprofessionalism, I lost a lot of work. That taught me na ‘Hoy mag–ayos–ayos ka naman diyan’,” pahayag ni Dixson. Inamin din niyang kahit ang Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde ay nakasagutan din niya noon dahil sa kaniyang primadonna attitude.

Mabuti na lamang daw at nabago na ang kaniyang pananaw ngayon sa tulong na rin ng kaniyang dating asawang non–showbiz na si Ronnie Miranda. Natutuhan niyang maging responsable sa kaniyang buhay nang sila ay manirahan sa bansang Canada.

Samantala, umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens. Marami ang pumuri sa kaniyang ginawa. Bihira na lamang daw ang mga tao ngayon, lalo na’t celebrity, na inaamin ang mga pagkakamali sa sarili at sa publiko.

“Few people who can accept short comings… kudos to you Miss Alice Dixson! She is one of my favorite actresses in the showbiz industry. Ingatan po ang health!”

“One of the most beautiful and sweetest faces in showbiz back then, and even until now. Walang ‘salamat po, dok’. Timeless beauty.”

“Ito yung mga babaeng pinagpapala, halos walang ipinagbago ang gandang taglay, bata pa ako lodi ko na ito, until now.”

“It’s good to know that you are admitting your shortcomings and faults in the past. Humility is what we need nowadays na super entitled na ang mga tao. Kudos, Miss Alice!”

Muling mapapanood sa big screen si Alice Dixson katambal ang ultimate hearthrob na si Aga Muhlach sa pelikulang “Nuuk”.

I–click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang buong video via ABS–CBN Entertainment.

Image capture mula sa YouTube channel

Loading…