Alaala ng nakaraan: Nakapaghugas ka na ba ng pinggan sa banggerahan?

  • Kinatuwaan sa social media ang larawan ng banggerahan
  • Ang banggerahan ay bahagi ng bahay noon kung saan hinuhugasan ang mga pinagkainan
  • Umani ito ng iba’t ibang komento mula sa netizens

Noong hindi pa nauuso ang mga lababo na napapalamutian ng marmol o tisa, tinatawag na banggerahan ang  bahagi ng bahay kung saan hinuhugasan ang mga pinagkainan at inilalapag na rin ang mga kagamitang pangkusina.

Kaya naman, pinag–usapan ng netizens ang ibinahaging larawan ng Facebook user na si Jeff Ramos sa Facebook page na “Memories of Old Manila” kung saan makikita ang lumang banggerahan.

Ayon sa kaniyang Facebook post: “Ang banggerahan natin noon.. Di man magara pero ipinagmamalaki natin…”

No photo description available.
Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Makikita sa larawan na ang banggerahan ay gawa sa kahoy at kawayan. Dahil may mga patlang o espasyo, madali na lamang ang pagpapatulo ng tubig na diretso sa lupa. Maaaring ilagay o ipatong dito ang lumang kaang o banga na inuman ng tubig, ang mga sisidlan, baso, at garapon. Payak ngunit maaliwalas tingnan!

Nagkomento naman dito ang netizens, lalo na ang mga nakaranas na magkaroon ng banggerahan sa kanilang mga tahanan noon.

“Ganyan banggera namin sa Hagonoy at Sta. Maria Bulacan. Those were the days na simple lang ang pamumuhay at hindi pa komplikado ang lahat.”

“Tunay pong maaliwalas sa paningin at presko dahil sa sariwang hanging tunay na malinis pa. I remember washing dishes on this type when I was assigned to do my internship in Marinduque.

“Iyong sa amin ang pinakasahig ay nilagyan ni Tatay ng yero (flat sheet) para hindi mabulok yung kahoy–syempre, yung lababo, yero din. Maski nakapaglagay na siya ng sarili naming tangke at motor ng tubig, nakabanggerahan pa din kami sa kusina, minus the tapayan.”

Sana maibalik yung mga nakagisnan na kagamitan noon… nakakamiss wala na ako halos makitang ganyan dito sa Manila. Good vibes ang dala kapag nakakakita ako sa social media ng mga lumang kasangkapan na ibinabalik sa kasalukuyan.” 

Sa ngayon, mas makabago na ang mga lababo dahil kung hindi nakamarmol o tiles, ay sementado na.

Public Domain Image

Loading…