Ama, nanawagan sa social media para mahanap ang painting ng yumaong anak

Imahe mula sa Facebook | Anthony C. Lee
  • Sa pamamagitan ng isang post, nanawagan si Anthony C. Lee na tulungan siyang mahanap ang nakabili ng painting ng kanyang anak na si Renz
  • Nasa painting ang nakababatang kapatid ni Renz na si Aaron
  • Kamakailan lamang ay yumao si Renz kaya’t hiling ng kanyang ama na tulungan siyang mahanap ang painting na sumisimbolo sa pagmamahal ni Renz sa kanyang kapatid

Viral ngayon sa social media ang pakiusap ng amang si Anthony C. Lee na humihingi na tulong upang mahanap at makita nang personal ang painting ng namayapang anak na si Renz.

Imahe mula sa Facebook | Anthony C. Lee

Paliwanag ni Anthony sa Facebook post na ngayon ay may 6.1k reactions at 7.1k shares na, ginawa ni Renz ang painting ng nakababatang kapatid noong siya ay 2nd year college pa lamang at  kumukuha ng kursong Fine Arts sa University of the Philippines – Diliman.

Aniya, noon ay 1 ½ taon na ang subject ng painting na si Aaron pero ginamit ni Renz na modelo ang larawan kung saan apat hanggang limang buwang gulang pa lang ang kapatid.

Sa kasamaang-palad ay hindi nila nakita nang personal ang painting dahil si Renz ay nasa Pilipinas samantalang sila ay nasa Canada.

“Renz did not have the chance to send the painting to Canada. He shared that there were people interested to buy it but he was not up to it. For whatever reason, he eventually decided to sell the painting without my knowledge,” sabi ni Anthony.

Imahe mula sa Facebook | Anthony C. Lee

Ngayon ay pitong taong gulang na si Aaron. Sa December 4 naman ay ika-40 araw ng pagyao ng 24-anyos na si Renz.

“The two only saw each other once in 2016 when Renz graduated from college,” sabi ni Anthony. “We are posting this in the hope to find the person who bought this piece of artwork that is very close to our hearts; this piece of artwork that reminds us how Renz loved Aaron. We hope to retrieve (if the owner will sell) the painting so Aaron can have a piece of memory of his beloved Kuya Renz.”

Source :

Facebook

Loading…