Amerikano, naloko ng karelasyong Pinay na nakakulimbat sa kaniya ng ?25 milyong piso

  • Kung may tinatawag na gold digger ay mayroon ding reyna ng mga gold diggers
  • Ito ang turing sa isang Pilipina na nakakulimbat ng ?25 milyong piso mula sa Amerikanong karelasyon nito
  • Kasama ang kapatid, humingi ng legal advice sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action ang Amerikanong naloko

Magkapatid na Amerikano ang dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action upang ireklamo ang ginawang panghuhuthot, panggigipit, at panloloko ng isang Pilipina sa karelasyon nitong banyaga.

Ang magkapatid ay nagpakilalang sina RJ Russel at Kevin Russel. Humingi sila ng legal advice kay Raffy Tulfo kung ano ang marapat na gawin sa Pilipinang karelasyon ni RJ na si Adora Ramos na taga-La Union.

Imahe mula sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action

Si Adora ay nakailang ulit na nanghingi ng pera kay RJ para sana maisakatuparan ang kanilang mga plano sa buhay, tulad ng pagkakaroon ng mga investments o negosyo sa Pilipinas. Umabot umano sa ?25 milyong piso ang nakulimbat ni Adora sa Amerikanong karelasyon.

Ayon sa salaysay ni RJ, isang IT consultant, nakilala niya si Adora sa Kuwait na nagtatrabaho bilang isang OFW. Nagsama sila roon ng dalawang taon ngunit nadestino si RJ sa Afghanistan kaya nagkalayo sila. Gayunman, nagtuloy-tuloy pa rin ang kanilang relasyon hanggang sa magbalik sa Pilipinas si Adora.

Ramdam sa interview ang sinseridad ni RJ sa pagtulong kay Adora na may apat na anak. Inako ni RJ ang mga responsibilidad bilang padre de pamilya at sinuportahan ang mga pinansiyal na pangangailangan ng babaeng minahal.

Kabilang sa mga nahuthot ni Adora kay RJ ay ang ilang milyong piso na ipinadala ng Amerikano para sa pinag-usapan nilang bibilhing farm land. Iba pa rito ang ibinigay niyang puhunan para sa pagpapatayo ng sari-sari store, mga bahay at lupa, at iba pang investments.

Sa kasamaang-palad, parang bulang naghalo ang milyon-milyong salapi na ipinadala ni RJ lalo pa’t wala naman palang nabiling lupa ang karelasyon.

Noong Mayo 2019 ay pumunta sa Pilipinas si RJ at doon na siya nagduda sa mga kalokohang ginagawa ng kasintahan.

Imahe mula sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action

Dahil nasunog ang kanilang bahay, na hinihinalang sinadya, nasunog ang lahat ng papeles ni RJ kasama ang mga gamit na naipundar nila.

Samantala, nang makita ni Idol Raffy ang larawan ni Adora, natawa na lamang ito at sinabing iyon ang mukha ng taong hindi mapagkakatiwalaan.

Source :

YouTube

Loading…