Anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Baby Tali, nagdiwang ng 2nd birthday sa isang orphanage

  • Nagdiwang ng second birthday ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Baby Tali sa isang orphanage
  • Ibinahagi ito ni Pauleen sa kanyang Instagram post kasabay ng mensahe para sa anak
  • Ilang araw matapos ang birthday ni Tali, nagdiwang naman sina Vic at Pauleen ng kanilang anibersaryo

Kilala si Bossing Vic Sotto na likas na mapagbigay. Kita ito araw-araw ng mga Dabarkads sa kanyang mga papremyo sa longest running noontime show na Eat Bulaga. Maliban sa pamimigay ng tulong at premyo sa kanyang show, maging ang pamilya ni Bossing ay nagbibigay na rin ng kasiyahan sa mga nangangailangan.

Ibinahagi ng misis ni Bossing na si Pauleen Luna sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng pagdiriwang ng ikalawang kaarawan ng kanilang anak na si Baby Tali. Hindi ordinaryo ang naging selebrasyon dahil imbes na isang magarbong party ang ginawa, pinasaya nila ang mga bata sa isang ampunan sa Parañaque City.

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna

Nagkaroon ng isang children’s party sa Saint Rita Orphanage sa Sucat, Parañaque sa pangunguna nina Bossing, Pauleen, at Baby Tali. Laking tuwa ng mga bata na dumalo sa pagdiriwang dahil ang party ay inorganisa ng isang sikat na fast food restaurant.

Pinasalamatan ni Pauleen sa kanyang post ang lahat ng taong tumulong at nag-donate para sa mga batang nasa ampunan. Masayang-masaya rin si Pauleen na naging makabuluhan ang pagdiriwang ng kaarawan ng panganay na anak. Naging biyaya raw si Tali hindi lamang sa kanila ni Bossing kung hind imaging sa ibang tao na rin.

“Thank you anak for being a blessing to us and to others. I can never thank the Lord enough for giving me the best gift ever, you. I pray that the Lord guides me to be the mother he wants me to be. I am at my best because of you and your dad. Happy 2nd birthday, my love! We love you, always!” sabi ni Pauleen sa kanyang post.

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna

Dumalo rin sa party ni Baby Tali sa orphanage ang isa pang anak ni Bossing na si Danica Sotto-Pingris. Nakatanggap din ng pagbati mula sa ibang mga celebrity ang anak nina Bossing at Pauleen katulad nina Gladys Reyes, Lara Quigaman, Angelika dela Cruz, at Jean Marc Pingris.

Pagkatapos ng kaarawan ni Tali ay nagdiwang naman sina Bossing at Pauleen ng kanilang 8th anniversary bilang couple. Idinaan din ni Pauleen sa isang IG post ang pagbati para sa kabiyak kasama ang larawan ng kanilang naging bakasyon sa Japan noong nakaraang buwan.

Loading…