Andi Eigenmann at Jake Ejercito, magkasamang idinaos ang 8th birthday party ng anak na si Ellie

  • Noong Biyernes, Nobyembre 22, ay nagdaos ng advance 8th birthday party si Ellie Eigenmann sa pinapasukan nitong paaralan
  • Siyempre, present doon ang kaniyang mga magulang na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito
  • At sa araw ng kaniyang kaarawan, Nobyembre 23, ay may sweet messages ang kaniyang mga magulang para sa kaniya

Isang araw bago ang ika-8 kaarawan ni Ellie Eigenmann ay nagdaos ang kaniyang mga magulang na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ng advance birthday party sa paaralang pinapasukan nito sa Maynila nitong Biyernes, Nobyembre 22. May unicorn birthday cake na inihanda para kay Ellie.

Imahe mula sa Instagram account ni Ellie Eigenmann Ejercito

Sa kabila ng sitwasyon ng mga magulang, makikita pa rin kung gaano kasaya si Ellie na magkasama ang kaniyang mga magulang sa araw na iyon. Siyempre, naroon din sa birthday party ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo at ang kanilang apat na buwang anak na si Baby Lilo.

Samantala, may birthday message naman si Jake para sa kaniyang unica hija.

“Well, look who’s just turned 8! Crazy how time flies! Keep to your sweet and sunny ways, my love. God knows I’ll try to take care of the rest.”

“But could we just hit the pause button even for a little while? Love you most with Nutella and toast!” ayon sa Instagram post ni Jake na may mga kalakip na larawan ng bonding ng mag-ama.

May mahaba ring mensahe si Andi para sa panganay na anak na mababasa sa Instagram nito.

“I will always be grateful for this little lady because she is my ultimate dream come true! The light of my life, and the reason I am where I am today. I know you bring brightness into the lives of many others as well, so keep being YOU, darling Elle!” ayon sa unang bahagi ng post.

Imahe mula sa Instagram account ni Jake Ejercito

Sa Instagram account ni Jake, makikita kung paano sila mag-bonding na mag-ama. Katunayan, noong Pebrero lamang ay namasyal ang mag-ama sa Hong Kong Disneyland.

Sa kabila ng kanilang family set-up, nakatutuwang super close si Ellie ng kaniyang mga magulang.

Loading…